32. Ang Dulo Ay Ang Simula

42 2 0
                                    

Mahirap magbiro ang tadhana. Nakakatakot. Yung tipong akala mo okay na, masaya na ang susunod, magiging smooth na ang lahat tapos ibabagsak rin pala sa lupa ang namumuong saya sa puso mo at maiiwanang basag-basag sa harap mo.









"Bakit nandito ka, Nodque? Bakit magkasama tayo dito?" masama ang tingin n'ya pati ang tono ng boses. Iritable ang kilos.

Lumapit ako sa kanya at tinitigan s'ya, may kakaiba sa mata n'ya.

"Hindi ikaw si Andrei."

Pinigilan kong matakot. Hindi makakatulong 'yon sa pag-iisip ko ngayon kung ano na namang nangyayari sa kanya.

"Ako si Andrei," pagdidiin n'ya sa kanyang sagot.

Ang tapang ng mata n'ya. Nasaan na 'yong maamo at palangiting Andrei?

"Pwedeng lumabas ka na? Naiilang ako na may kasama akong babae sa isang kwarto to think na hindi kita kaibigan o kamag-anak."

Isip. Mag-isip ka, Vanilla. Alamin mo kung anong nangyayari. Ang kaharap ko ngayon ay ang batang Andrei. Kaya naman pala hindi ko s'ya nagustuhan dahil sa ugali n'ya. Naririnig ko naman s'ya pero bakit may pagtaas ng boses na nagaganap?

"Naalala mo bang binato mo 'ko ng sapatos sa ulo?"

Napakunot ang noo n'ya sa sinabi ko at umiling. Ang pagbato n'ya ng sapatos sa ulo ko ang simula at pagdating ng Andrei na mula sa hinaharap. Malamang hindi 'yon maaalala ng kausap ko ngayon.

"Hindi kita binato ng kung ano. Are you hallucinating? Labas," pagsusungit n'ya.

Gusto kong mapikon pero kasasabi ko lang na dapat maging mas maunawain ako sa sitwasyon kaso nakaka-provoke ang asal n'ya.

"Okay! Hindi mo 'ko kailangan itulak! Lalabas ako! Nasasaktan ako sa ginagawa mo ah!"

Nakakapika! Gusto ko na 'tong patulan. Kaso kailangan kong habaan ang pasensya ko habang nag-iisip kung bakit at paano ito nangyayari.

Hindi naman siguro bumalik na sa normal ang lahat, dapat sana pati alaala ko sa mga nangyari ay wala na at back to normal na, diba?

Pagkataboy n'ya sa 'kin at marahas na tinulak palabas ng kwarto ay binagsakan ako ng pinto.

Wala. Pikon na 'ko. Makakatikim s'ya ngayon kahit wala s'yang alam sa mga nangyayari. Hindi ako papayag na hindi makaganti ngayong gabi.

Halos mapaatras ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Andrei at nandoon s'ya na nakatitig sa 'kin, parang gulat na gulat.

"Anong nangyari? Nagkamalay ako na nakatayo. Bakit nasa ospital ako?"

Nagising na si Andrei, ang asawa ng magiging ako sa hinaharap. Sa mata n'ya pa lang alam ko nang s'ya yung taong hinintay kong magising.

"Ikaw na ba si Andrei na kilala ko?"

Pagkatango, pinagpapalo ko ang braso n'ya, kinurot ko s'ya nang pinong-pino at marahang pinaghahampas ang balikat n'ya.

"A-Aray! Bakit nananakit ka na naman? Ano na namang ginawa ko!" umaatras s'ya papasok sa loob at walang ideya sa mga inaasal ko.

Nang makuntento na ang mapaghiganti kong puso, naupo ako sa sofa at sinikap kong mahimasmasan.

Kung makakaharap ko lang ulit ang batang Andrei na 'yon aasarin ko pa s'ya na sa hinaharap magiging patay na patay s'ya sa 'kin. Naku, magkita lang talaga ulit tayo. Nakakagigil ka!

"Wala akong idea. Bakit galit na galit ka?" clueless n'yang tanong sa 'kin. Nakakaawa tuloy pero at least okay na ang puso ko ngayon, feeling ko nakaganti na ako kahit pa'no.

Write Me a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon