6. Here We Go Again

296 11 15
                                    

After class nag-FB muna ako, wala kasi akong magawa tutal tapos na rin ang exam at pwedeng mag-chill muna. Napagod kaya ako kanina sa kakatakbo kaya nakaupo lang ako sa desk ko tulad ng iba kong classmate na nagdadaldalan.

Ang dami kong notif ah. Feeling sikat na 'ko. Sino-sino kaya mga likers ko? Maiyak-iyak ako sa dami.

Glovie likes your photo

Glovie commented on your photo

Glovie likes the photo you share

Glovie likes your status "feeling blessed"

Si Glov talaga oh. Supportive. Kahit tuldok lang i-post ko ila-like nya.

Bukod sa mga notifs ko medyo wala naman akong makitang bago sa news feed ko. Ka-boring din pala.

Bigla kong naalala si kuya Kookie. Ano ba naman yung alibi nya kanina? Sayang effort nya at pamasahe, imagine from Cavite to Manila tapos sabay uwi, kapagod yun.

Napasilip ako sa profile nya. Ayos oh, hindi na pala sya pwede mag-accept ng friend request sa dami ng friends nya. Edi sya nang friendly. Magagawa?

Tiningnan ko mga status nyang visible sa'kin.

Ang vain talaga nito. Makaporma 'kala mo san pupunta. Mga porma nya katulad nun mga nakikita ko sa gallery ng phone ni Glov.

Wala na ngang space SD card nung kaibigan ko. Puro ba naman picture ng kung ano-anong grupo, ang mga kanta mabibilang lang sa daliri ang tagalog at swerte kung may maisingit na english. Ang isa pa sa hindi ko maintindihan ay kung bakit yung isang kanta may limang kopya e pare-pareho lang naman. Isagot ba naman sa'kin, "Kasi friend yung isa original version, then acoustic version, japanese version at yung dalawa sa magkaibang performance nila," buti naatim ko pang matandaan mga pinagsasabi nyang hindi ko naintindihan.

Oh! May nag-add sa'kin. Madadagdagan ang 200+ kong friends kapag inaccept ko 'to. Sino ba 'to?

Si kuya Kookie!

(・へ・)

Open siguro sya ngayon pero bahala syang maghintay. Pag-iisipan ko pa kung iaaccept ko. Busy kaya akong tao tsaka hindi ako basta-basta nag-aaccept ng friend request. Ang arte ko kaya.

***

Sabay-sabay kaming tatlo nina Glov at Jy lumabas ng building. Nagyayaya na nga ako agad umuwi dahil sa kabadtripan. Araw ko ata ngayon. Ilang beses akong sinabon ni Mrs. Tapia. Akala nya naman magpapatalo ako kaya ayun nun sumagot ako kanina lalo akong pinag-initan.

"Okay lang yan. Bukas naman iba na ulet ang favorite ni Mrs. Tapia," sabi ni Jy. Sabagay nga, everyday iba-iba pinag-iinitan. Depende kung sino mauna nyang makita. Malas ko lang ako ang una n'yang nasilayan ngayon.

Paglabas namin ng gate narinig ko agad na may tinawag si Jy.

"Oy tol, touch ako. Sinusundo mo ba 'ko?" umakbay pa si Jy sa kausap nya, si kuyang nurse.

Binatukan lang ni kuyang nurse si Jy saka kami nakita ni Glov. Tumingin sya sa'kin pero umiwas ako ng ng tingin.

"Iaabot ko lang 'to. Nakalimutan ko lang kanina eh," may inabot na kung ano si kuyang nurse kay Jy. Mukang CD yun, "Aralin mo. May practise tayo sa sabado." pahabol nya pa.

"Yakang-yaka. Uwi ka na rin ba agad?"

"Oo."

"Tamang-tama. Sabay na kayo ni Caramel. Uwing-uwi na 'to eh," with matching tulak pa ng kaibigan ko sa'kin. Bakit ba lagi na lang nya kong tinutukso kay kuya? Nakakahiya tuloy. Etong si Jy naman patalikod-talikod pa e if I know magkakuntsaba sila ni Glov.

Write Me a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon