10. Ang Simula

145 6 21
                                        

Vanilla Nodque






















Hindi ko kayang nakikita ang ate ko nang ganito. Nawala na s'ya sa sarili. Bakit nangyari 'to sa kanya?

"Ate! Umayos ka naman oh! Hindi mo pwedeng gawin yang mga naiisip mo dahil lang nawala s'ya! May sarili ka pang buhay! May pamilya ka pa!"

Buong lakas kong sigaw sa ate ko, gusto ko s'yang sigawan buong araw, gusto ko s'yang sampalin hanggang matauhan s'ya.

Naka-confine s'ya dahil sa suicide attempt n'ya. Hindi n'ya kinaya ang pagkawala ni kuya Kookie. Binalak n'yang wakasan ang lahat kaya ang sakit-sakit para sa akin na muntikan nang mawala ang ate ko sa amin.

Niyakap ko si ate, ayokong magkaganito s'ya, ayokong mawala ang ate ko.

"Ate, hindi mo kailangang mawala para lang matanggal ang sakit. Andito kami. Hindi ka nag-iisa," sabi ko sa kanya pero parang wala s'yang narinig, tulala lang s'ya.

Niyakap ako ni mama dahil hindi man lang ako sinagot ni ate, nakatitig lang s'ya sa kisame habang lumuluha. Nasasaktan ako. Sobrang sakit na makita ko ang kapatid kong nagkakaganyan.

Tinatagan ko ang sarili ko, hindi pwedeng pati ako mag-breakdown. Kailangan ako ng pamilya ko, kailangan ako ng ate ko.

Naglakad ako pauwi para kumuha ng ilang gamit ko, ako kasi ang bantay mamaya. Sa lalim siguro ng iniisip ko hindi ko na namalayan na bansang-basa na pala ako ng ulan. Bawal akong magkasakit, pa'no ako makakatulong kung magiging pabigat ako.

Natanaw ko ang tagatanggal ng pagod ko, papalapit s'ya sa 'kin at may gamit na payong. Paglapit n'ya tumulo ang luha ko at niyakap n'ya ako ng mahigpit.

"Andito na 'ko, hindi ka na ulit iiyak."

Kapanatagan ng loob at saya ang bumalot sa puso ko nang dumampi ang labi n'ya sa labi ko.





















































"Nodque!"

Isang malakas na kalabog ang bumuhay sa diwa ko nang may kung anong tumama sa ulo ko. Pakiramdam ko tinamaan ako ng nag-crash na eroplano! Akala ko mahahati ang ulo ko kanina at katapusan ko na, ganoon kasakit. Hindi ako pala murang tao pero kamuntikan na ako kaninang mag-declamation ng lahat na murang alam ko.

"Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya, promise!" hinaplos-haplos n'ya ang ulo ko na tinamaan ng ligaw na sapatos.

Na-frozed ako sa kinauupuan ko nang makita ko kung sino ang lumapit at hinahaplos ang ulo ko; una, dahil wala na kami sa elementary days para maghagisan ng sapatos sa room; pangalawa, since nag-start ang klase from the very beginning never kaming dalawa nagkadaupang palad, ni hindi n'ya binigyan ng pansin ang pagpuri sa 'kin ng teacher sa pagiging highest ko sa exam o ang pagkadulas ko sa putikan sa harap n'ya mismo. Never pa nagtama ang mga mata namin in the history of man kind.

Nagulat na lang ako nang dali-dali n'ya akong ibinaban sa likod n'ya at itinakbo sa school clinic para ipa-check ang ulo ko.

Wala man lang akong nagawang pagpiglas sa bilis ng mga pangyayari o dahil bangag ako sa sakit ng ulo ko.

Okay naman ako tsaka hindi naman ganun ka-worst yun nangyari pero syempre masakit pa rin lalo na kanina.

Nakita ko s'yang naghihintay pala sa 'kin sa labas ng school clinic. Agad n'ya akong nilapitan at kinumusta paglabas ko.

Write Me a Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon