8. Secure and Safe

85 4 0
                                    

Pinagtitripan ako ni kuya. Bakit sa'kin nya binibigay 'tong rose! Ayoko sanang kunin pero pinagtulakan ako ni Glov kaya ayun muntik pa 'kong masubsob palapit kay kuya. Grabeng eksena na 'to ah. Okay para matapos na kinuha ko na yung rose. Nginitian pa 'ko nitong si kuya bago sya bumalik sa stage kaya nakailang siko nanaman ako mula kay Glov. Nakakarami na sila ni surot ah, mamaya kayo sa'kin.

"Haba ng hair mo friend, i-trim ko yan eh, inarte ka pa," asar nya pa sa'kin.

"Tigilan mo nga 'ko friend, mamaya isumbong ako ni surot. Sumbongera pa naman yan kahit wala naman akong ginagawang masama," saway ko kay Glov kaso narinig pala ni surot.

"Don't worry ate, hindi ako magsusumbong," pabida ng kapatid ko kaya napa-akbay ako sa kanya kaso tinaboy nya din ako agad, "hindi yun para sa'yo noh, hindi ko lang hahayaang masira ang pangalan ng future brother-in-law ko kina mama."

Gusto kong kutusan si surot, gusto kong isako si Glov at gusto ko nang magwala! Bakit ba lahat sila itinutukso ako kay kuyang nurse!

Pagkatapos ng contest nakita ko na bumaba na si kuyang nurse sa stage pero hindi sya agad nakalapit kina Jy dahil sinalubong sya ng mga mahaharot na bata para magpapicture na may tili factor pang nalalaman. Ilang minutes din yun bago sya nakapunta sa kinauupuan namin pero hindi ko sya pinapansin, kunwari busy ako sa pagtingin sa mga picture sa cam ni Glov.

Dumating pa ang ibang kagrupo nina Jy at kuyang nurse kaya umayos na ako ng upo. Kasama nga din nila si ate Tinay na medyo malaki na ang tyan.

Pagdating nila kasama si kuyang nurse may malakas akong feeling na nakatingin ang mga kaibigan nya sa'kin, pati nga si ate Tinay nakangiti eh.

Naupo si kuyang nurse na todo kung uminom ng baon na tubig, muka syang tense, siguro dahil dalawang contest yung sinalihan nya.

"Punta lang akong CR," paalam ni kuyang nurse, ako naman nakipagchikahan kay ate Tinay at ipinakilala si surot.

"Kapag nanalo si Bebe magpapainom daw sya," rinig kong pinagkukwentuhan nila at sa pagkakatanda ko yung bebe na tinutukoy nila ay si kuyang nurse.

"Ang bait talaga nun noh, imagine kada panalo nya nagsi-share sya ng blessing, ibang klase talaga," sabi naman ni kuyang isa na ikinatawa ni Jy. Yung totoo? Bini-build up talaga nila sa harap ko si kuyang nurse? Mga tropa nya talaga oh, mga wing man.

"Uy Caramel, buti nakapanood ka. Ang galing ni Kookie noh?" at si kuyang nurse lang talaga ang pinuri?

"Lahat po kayo magaling."

"'To naman, wag ka na mag 'Po' tropa ka na din tsaka saan pa't~" hindi naituloy ni kuya ang sasabihan nya dahil hinagisan sya sa muka ng towel ni Jy. May kutob ako na kung ano talaga ang sasabihin nya pero ayoko lang i-entertain, mahirap na.

Ilang saglit pa nag-announce na ang MC kung sino ang mga nanalo. Sa dance cover expected na ata ng lahat na MANsters ang mananalo kaso sa pagtanggap nila ng trophy wala dun si kuyang nurse dahil hindi pa rin bumabalik.

Sakto naman na noong tinawag ang pangalan nya para sa sinalihan n'yang contest ay syang dating naman nya. Balita ko madalas syang manalo sa mga ganitong contest para rumaket pero sa itsura ng muka nya kala mo first time nyang manalo.

Gusto ko pa sanang magtagal kaso kapag hindi ako nagyayang umuwi baka gabihin kami, kasama ko pa man din si surot, baka mapagalitan ako nina Mama.

Niyaya ko na si surot pero aba nagmaktol pa, nag-enjoy. Kung hindi ko pa kinurot hindi pa sasama. Pakielam ko kung simangutan nya 'ko basta maiuwi ko sya agad sa bahay. Nagpaalam na rin ako sa kanila pero hindi na ata ako makakapagpaalam kay kuyang nurse dahil ayun may mga kabataang nagpapapicture sa kanya, sya nang sikat.

Write Me a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon