14. Napapansin Mo Pa Ba Ako?

83 3 10
                                        

Sabi nila isa daw sa masasayang panahon ng buhay mo ay yung kabataan mo at may lakas ka ng loob magtapat sa taong gusto mo.

Bata pa naman ako, may lakas naman ako ng loob kaso dalawa lang ang pwedeng maging resulta ng gagawin ko; tataas na ang level namin mula sa pagiging magkaibigan o masisira ang pagkakaibigan naming dalawa.

Ano man ang mangyayari, nakakatakot pala ang pagitan ng pinagpipilian kong magiging sagot sa 'kin ng tadhana.























"Nakakaistorbo ba 'ko?"

Si Andrei!

Tumingin sa 'kin si Lucas pero blanko lang ang muka ko, ayokong ipahalatang may kinalaman kay Andrei ang naghuhumiyaw kong eyebags.

"Okay lang, bro," sagot ni Lucas at pare-parehas na kaming natahimik.

Pa'no naman ako kikilos ng normal na parang walang nangyari kagabi. Alam kong alam n'ya ang muntik ko nang gawin, muntik na 'kong umamin sa kanya! Wala na 'kong mukang ihaharap! Bakit naisipan pa nitong umupo sa harap ko! Nananadya ba 'to!

"Kumusta ang panonood ng sine?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Lucas, nang-usisa pa talaga!

Okay naman, maganda ang pinanood namin at umuwi din agad, tsaka nga pala aamin na sana ako ng feelings ko kaso mukang nakatunog ata si Andrei, kaya hindi na n'ya ako pinatuloy sa sasabihin ko—ano, Lucas! Yun ba ang gusto mong marinig! May problema ka ba sa 'kin!

"B-Bili lang ako ng juice," palusot ko. Haist. Gusto ko ng hangin! Para akong naso-suffocate sa nangyayari.

Lumabas ako ng canteen at dumiretso sa bench sa ilalim ng talisay, makapag-refresh muna ng utak.

Tulala ako habang nakatingala at pinagmamasdan ang pagtama ng hangin sa mga dahon ng talisay, huminga ng malalim at pumikit.

Siguro natunugan ni Andrei ang balak kong gawin, at kung sakali nga na ginawa ko 'yon baka hindi na kami maging tulad ng dati kasi nga hindi naman kami parehas ng nararamdaman sa isa't isa. Baka nagsisisi na s'yang nakipagkaibigan sa 'kin. Baka iniisip n'ya dapat hindi s'ya naging mabait sa 'kin tuloy ito ako na-fall.

Makabalik na kaya sa canteen baka hinahanap na 'ko ng dalawang 'yon lalo pang mag-isip ng kung ano.

Oh my! Panaginip ba 'to? Siguro nananaginip nga ako. Malabo naman kasing mangyari na napakalapit ng muka ni Andrei sa muka ko at tinititigan ako. Hanggang sa panaginip lang naman nangyayari ang mga ganito. Paasang panaginip, bakit hindi pa maging totoo.

"Hindi dito ang tindahan ng juice."

Totoo ba 'to? Hindi ba 'to panaginip? Parang nanlalambot ang tuhod ko! Parang hindi ako makakalakad hanggang mamaya!

Bigla s'yang lumayo at tumayo. Na-shocked ba s'ya sa itsura ng muka ko sa malapitan? Makalayo wagas ah!

"A-Ang tagal mo kasing bumalik kaya hinanap na kita. Tara na," pag-aaya n'ya pero nagmadali na s'yang umalis, hindi man lang ako hinintay. Nabigla siguro sa muka ko, umikot siguro sikmura n'ya kanina.

Oo na. Sige na. Hindi na po. Hanggang magkaibigan lang talaga tayo. Itatatak ko yan sa utak ko.

***

Hindi naman sigurado masamang magmukmok ngayon, na maging malungkot, dahan-dahan lang. Hindi naman pwedeng magkunwaring wala lang 'yong nararamdaman ko.

"Gusto mo ng fishball?" tanong ni Lucas habang ako wala sa sariling dire-diretso sa paglalakad sa sidewalk. Medyo late na kami nakalabas ng school kaya kakaunti na lang ang tao pati mga nagtitinda ng merienda.

Write Me a Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon