Pag-uwi namin sa bahay sinigurado ko munang kumportable na si Mama at si surot sa mga kwarto nila, hinintay ko munang makatulog ang lahat bago ako humiga sa kama ko.
Parang ang haba ng araw na 'to. Ang daming nangyari. Mabuti na lang at okay na lahat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may masamang nangyari kay mama.
Papikit na sana ako nang mag-ring ang phone ko at makitang si Glov ang tumatawag.
"O kumusta pag-uusap n'yo ni Jy?" nakangiti kong tanong sa kanya. Wala lang akong lakas sa ngayong ikwento ang nangyari kanina. Hindi s'ya agad nakasagot at isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan.
Hindi naman sa hinuhusgahan ko si Glov pero medyo pabago-bago ang isip n'ya at kasama na rin ang feelings. Tulad noon, hirap na hirap s'yang i-pursue ang pag-audition sa drama club pero nang makapasok na s'ya biglang umayaw. Nang tanungin ko, sagutin ba naman ako na wala nang thrill.
Pansin ko din, pabago-bago s'ya ng crush na mga Koreano, e kung tutuusin e magkakamuka lang naman ang mga yun sa paningin ko. Dati si Lee Min Ho tapos si G-Dragon ata yun, hindi ako sure sa name, then W-WooHyun ata. May Lay pa nga ata na member ng EXO. Yun sure ako sa name kasi simple lang at madaling tandaan. Ito pa, medyo kahindik-hindik, kamakailan lang may pinagnanasaan s'ya sa phone n'ya, wallpaper ng loka at ang nakakaloko talaga hinahalik-halikan pa nga. Mahal na daw n'ya talaga si Jackson.
Papalit-palit din s'ya ng crush. Kada-buwan ata nagbabago and usually in relationship pa ang mga nagiging crush n'ya. Napapansin ko lang na gusto n'ya yung mga taong hindi n'ya pwedeng makuha, yung tipong mahihirapan s'ya. Pero dumating yung time na yung isa sa mga crush n'ya, gusto rin s'ya, biglang ayaw na ni Glov. Naloloka talaga ako sa takbo ng isip n'ya.
S'ya yung tipo na gusto ng challenge pero kapag nakuha na n'ya bigla nang tatamarin.
"Okay na kami, as friend," malungkot n'yang balita sa 'kin.
"O bakit ka malungkot? Diba ang sabi mo gusto mo kilig-kilig lang?" bara ko sa kanya para ibalik ang sinabi n'ya sa 'kin kanina. Ang sarcastic ko talaga.
"Gusto ko rin naman si Jy eh kaso ayoko ng commitment. Alam mo yun friend!"
"Hindi. Hindi ko gets 'yon. Sige pagpatuloy n'yo lang 'yan. Ikaw bahala kapag napunta s'ya sa iba, doon sa girl na ready sa commitment, pero bilang kaibigan susuportahan kita sa desisyon n'yo."
"Thank you, friend ah. Alam ko naman nandyan ka. May plano pala akong mag-out of town. Game ka ba?"
"Good night. Oo. Kwentuhan na lang ulit tayo bukas."
***
"Pwede mo bang ikwento kung paano tayo napunta dito sa Sagada at nagpapainit sa apoy sa harap natin?" tulala kong tanong kay Glov. Enjoy na enjoy kasi s'ya sa tabi ko habang pinapainit ang palad n'ya malapit sa apoy.
"Friend, paminsan-minsan kailangan nating tumakas sa magulong mundo. Kailangan nating mag-chill."
"Friend aware ka bang dito ako iniwan ni Micko?" nakabusangot kong tanong sa lokaret kong kaibigan na malapit ko nang ilibing ng buhay sa ilalim ng tent namin.
"Ay dito ba 'yon? Sorry, friend nawala sa isip ko. I-enjoy mo na lang. Isipin mong sa ibang bundok 'yon nangyari. Change of perspective, ganern?"
Itinuro ko ang katabi naming tent.
"So bakit natin kasama sina kuya Kookie at Jy? Matagal mo na atang na-plano 'to ah!"
Ang kwento n'ya kasi sa Tagaytay lang kami pupunta, kaya nagtaka ako bakit ang laki ng backpack n'ya 'yon pala may ibang plano. 'Yong Tagaytay na naging Sagada.
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasyA fantasy story about a man who can literally 'edit' a love story-changing the past to create a happy ending. But who's to say it will truly be happy?
