"Isang order po ng milktea, yun matcha po."
Napapaypay ako gamit ang kamay ko pero tumutulo pa rin ng pawis ko. Mukang uulan mamaya, napakaalinsangan naman ngayon. Kaunting kilos malalaking butil agad ng pawis ang tunutulo sa noo ko.
Magkikita kami ni Andrei, sakto naman na napadaan ako dito sa Eterni-TEA na halos manuyo na ang lalamunan.
Mag-aabot na sana ako ng bayad pero ibinalik sa 'kin ang pera ko.
Ngumiti sa 'kin ang matandang lalake na gumawa ng milktea. S'ya siguro ang may-ari. Ngayon ko lang s'ya nakita dito.
"S-Salamat po. Dahil po ba ako ang una ninyong customer?" curious kong tanong.
"Kahit ikaw pa ang pangalawa o ang huli naming customer, ibibigay ko dahil para sa 'yo talaga 'yan."
"Salamat po. Ang swerte ko naman po ngayong araw," nakangiti kong tugon sa mabait na may-ari na nagbigay sa 'kin ng libreng milktea.
"Wow! Ang sarap po ng pagkakatimpla n'yo," pagpuri ko.
Totoo talaga, masarap. Hindi dahil libre kundi dahil masarap talaga sa panlasa ko. Minsan kasi may mga chances na kakaiba ang timpla at medyo matapang ang lasa ng matcha pero ito, sobrang linamnam.
"Dahil balanse ang mga sangkap. Nawawala ang kaayusan kapag hindi balanse kaya nandito na ako."
Hindi ako nakasunod sa sinabi n'ya, natauhan na lang ako nang mula sa malalim na pag-iisip dahil sa pagtunog ng bell sa pintuan, may dumating na ibang mga customer.
Pagbalik ko ng tingin sa may-ari ng store na 'to minumukaan ko s'ya pero hindi ko maalala kung saan.
"Nagkakilala na po ba tayo noon?" usisa ko dahil parang nakita ko na s'ya kung saan bukod dito.
"Hindi ka pa pinapanganak kilala na kita."
Ilang segundo akong napatulala, nawala sa pang-amoy ko ang mabangong halimuyak ng lugar na ito at parang nawala ang init na inirereklamo ko kanina. Hindi ko rin magawang lumunok kahit kanina ko pa gustong gawin 'yon. Huminto ba ang oras? May iniisip ba ako kanina bago ako napunta sa pagtatanong kong ito?
Nasamid ako. Muntik nang maging bala ng armalite ang mga pearls, buti napatakpan ko ng kamay ko.
Umatras na ako sa counter nang makita kong may pila na sa likod ko. May nakalimutan ba akong kung ano? Parang may na-missed out ako na hindi ko maalala.
Puzzeled pa rin ako habang binabaybay ang pababang kalsada. Sa kakaisip ko nakalimutan kong katirikan pala ng araw at nakabilad na ako.
Hinintay ko si Andrei sa waiting shed di kalayuan sa tindahan ng milktea kanina.
Hindi man tumatama sa 'kin ang sinag ng araw para pa rin akong napapaso. Buti na lang naiibsan ng malamig kong inumin ang nararamdaman kong init.
Nakita ko si Andrei na nakatayo at masama ang tingin sa 'kin habang nakatakip ng ilong.
"Naligo ako," naaasar kong sabi sa kanya pero itinuro n'ya lang ang hawak kong milktea. "Ang bango-bango ng matcha, masarap pa. Tikman mo, oh," alok ko pero sumenyas lang s'ya na ayaw n'ya.
Hindi talaga s'ya lumapit sa 'kin hangga't hindi ko nauubos ang milktea ko kaya pinaspasan ko na ang pag-inom. Napakaselan ng pang-amoy.
"Saan pala tayo pupunta?"
Ngumiti lang s'ya at inayos ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko bago hinaplos ang ulo ko.
Hindi makapaniwala ang mata ko sa nakikita, nasa gitna ako ng napakalawak na sunflower field. Paulit-ulit ang paglanghap ko sa hangin, nananaginip ata ako. Baka nananaginip ako. Pero hindi nagkakamali ang pang-amoy ko, halimuyak ito ng mga bulaklak na nakapaligid sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasyA fantasy story about a man who can literally 'edit' a love story-changing the past to create a happy ending. But who's to say it will truly be happy?
