1. It's Not The Beginning

656 30 74
                                    

Caramel Nodque










Nakakasilaw ang kaputian ng paligid at walang humpay ang pagtulo ng luha habang nakatitig sa puting kisame ng kwarto ko dito sa ospital.

Bumabaon na utak ko ang tunog ng infussion pump na kahit siguro ma-discharge na ako ay maririnig ko pa rin ito sa bahay.

May kung anong nawala sa parte ng katawan ko. May kulang. Masakit. Masakit na parang gusto ko na lang pumikit at 'wag nang gumising pa. Bukod sa sama ng pakiramdam ko may mas masakit pa pala kumpara dito.

"Ang drama mo naman, ate. May shortage na ba ng lalake sa mundo at worried ka masyadong nakipag-break s'ya sa'yo?"

"Manahimik ka, surot," walang buhay kong bara sa kapatid ko. Gusto ko s'yang sakalin sa mga oras na 'to pero wala akong lakas na bumangon para isakatuparan ang tumatakbo sa isip ko.

"Kung inuuna mo muna kasi ang pag-aaral bago yang boyfriend- boyfriend na 'yan edi hindi ka iiyak-iyak ngayon." Wow makasermon 'kala mo hindi nagkaka-crush! Pesteng surot talaga 'to.

"Isa pa. Lilipad na 'tong kama sa'yo!"

Nakakunot ang noo ni Vanilla nang tingnan ko s'ya. Naka-upo s'ya habang naka-de quatro. Hawak n'ya ang tablet n'ya kanina pa at may kung anong kinukutkot doon.

Tiningnan ko ang dextrose ko. Malapit nang maubos. Binalik ko ang tingin sa kapatid ko. Wala na ako sa mood magsalita pa para utusan s'ya.

"Alam na ng mga nurse 'yan. Papatayuin mo pa 'ko dito?" Hindi na talaga s'ya naubusan ng reklamo. Kulang na lang s'ya na ang humiga dito at ako na ang maghele sa kanya.

Isang linggo na ako dito sa ospital dahil na-dengue ako. Itong kapatid ko pang reklamador ang naiwan para samahan ako. Mas gusto ko pa ngang maiwan na lang mag-isa para malaya akong maka-iyak. Masakit rin ang ankle ko dahil natapilok at nadulas ako sa Sagada. Inabunan ako ng kamalasan ng araw na 'yon! Kung walang tumulong sa 'kin baka kung ano nang nangyari sa 'kin doon noon.

Caramel.

Kung anong itinamis ng pangalan ko, 'yon namang pakla ng puso ko ngayon.

Yung surot na kasama ko na pinangalanan ng nanay at tatay na Vanilla, kapatid ko 'yon. Kung anong tamis rin ng pangalan n'ya, sya namang asim ng muka n'ya dahil s'ya ang nautusang magbantay sa 'kin.

Ang dami-daming pangalan sa mundo kung bakit ito pa ang pinangalan sa'min ng parents ko. Hindi bagay sa 'ming dalawa.

Iniwan n'ya 'ko.

Iniwan ako ni Micko.

After two years na pinagsamahan namin parang ang dali para sa kanyang iwan ako. Tinakpan ko na lang ng kumot ang muka ko at lumabas na naman ang sakit.

"Wow ate. Ngawa pa more. Kapag nakita ko talaga yang boyfriend mong sira-ulo bubugbugin ko talaga 'yon."

"Dahil pina-iyak n'ya 'ko?"

"Hindi. Dahil isinama ka n'ya sa pamumundok kaya ka nagka-dengue. Andito tuloy ako. Asar." Pagsilip ko sa kanya, halos maputol na n'ya ang tablet dahil sa inis.

Micko is my boyfriend. Ay mali. Was. Ang pag-akyat na pala namin sa bundok ang huli naming pagkikita.

Nasa Japan na s'ya ngayon. Nag-migrate na ang pamilya n'ya doon at wala akong kamalay-malay.
Hindi ko na s'ya ma-contact. Naka-blocked na rin ako kaya hindi ko na makita ang profile niya sa FB. Bigla s'yang naglaho. Leaving without any trace of him. Nalaman ko na lang na nasa Japan s'ya dahil sa tropa n'ya.

"Ang sakit na sa tenga ah. Tanggapin mo na lang kasing iniwan ka n'ya kasi ang boring mong tao. Kung baga sa mga kwento, isa kang flat character. Walang palabok. Wala kang talent, wala kang allergy—"

Write Me a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon