3. D-Word

524 28 68
                                    

"Wag kang umalis! Gusto kitang makita!"

Kahit sa imahinasyon ko nakikita ko kung pano nya 'ko iwan. Naparami ba ang nainom ko ngayon? Bakit hanggang ngayon ang sakit-sakit pa rin? Bakit hanggang ngayon iniisip pa rin kita. Sa loob ba ng tatlong buwang nagdaan iniisip mo rin ba 'ko? Iniiyakan mo rin ba 'ko tulad ng pag-iyak ko?

"Bakit ang lapit-lapit mo pero hindi kita maabot?" pilit kong inaabot ang maliwanag na bagay na yun pero kahit anong tingkayad ko hindi ko pa rin sya mahawakan.

"Bumbilya kasi ng street light yan. Hindi mo yan abot," may lalakeng lumapit sa'kin pero hindi ko sya kilala. Anong tingin nya sa'kin, baliw?

"Alis. Wag mo 'kong pakielaman," pananaboy ko sa kanya.

"Alas nuebe na ng gabi gumagala-gala pa sa dilim ang babaeng lasing na 'to. Galit pa? Hindi nya pa 'ko naalala."

***

Aray. Bakit ang sakit-sakit ng ulo ko? Asan na ba 'ko? Aba teka bakit iba na 'tong damit ko? Napagsamantalahan ba 'ko? Bakit ang liwa-liwanag dito? Bakit nakasuot ako ng puting damit!

"TULONG!"

Paghawi ko sa puting kurtina marami akong nakitang tao at nakatingin sila sa'kin. Inilibot ko ang mata ko. Maraming iba pang kama na may mga tao ring nakahiga. May iba naman na naka-upo at nakikipag-usap sa mga mamang naka-blazer na puti.

Pagtingin ko sa glass door nila nakita ko yung repleksyon sa salamin ng kotse sa labas.

Emergency Room.

Tinakpan ko ng kurtina ang muka ko at dahan-dahang isinara yun. Pa'no ba 'ko napunta dito!

"Gising na patient mo Kookie," narinig ko yung boses ng isang babae at may humawi bigla sa puting kurtina. Pumikit ako agad para magkunwaring tulog.

"Iiwan ko na lang dito sa bedside table 'tong mga gamit mo," nakapikit pa rin ako. Ayoko ngang magising sa kahihiyang ito.

"Eto nga pala yung charge slip ng mga babayaran mo."

"ANONG BABAYARAN?"

Napabangon ako bigla sa sinabi nya. Teka? Bakit ako magbabayad?

"O edi bumangon ka din."

Teka b-bakit nandito ulet sya? at pa'no sya napunta dito?

"P-Pa'nong~"

"Nasalubong kita kanina. Pagkasuka mo nawalan ka na lang ng malay, hindi ko naman alam kung san kita pwedeng iwan kaya binitbit na kita dito sa trabaho ko."

"Oh? Anong nangyari kanina?"

"Naka-duty pa 'ko. Bawal makipagkwentuhan. Toxic kami," dang ige sumagot!

Tapos isinara nya ulet ang kurtina, kinuha ko yung bag ko at nakita ko ang cellphone ko. Patay! Ang daming miscall nina mama at papa.

***

"Akin na yung mga babayaran ko para maka-uwi na 'ko."

Tumigil sa pagsusulat si kuya tapos tumingin sa'kin saka tumingin sa wallclock.

"Alas tres pa lang ng madaling-araw. Delikado pa umuwi mag-isa. Magpasundo ka."

"Papagalitan ako ng parents ko kapag nalaman nila 'to."

"Edi sana hindi ka nagpalasing. Mahiga ka na lang dun. Bibigay ko sa'yo babayaran mo mamayang ala sais."

"Tatlong oras pa 'kong maghihintay?"

"Kung ayaw mong mainip, fill up-an mo 'tong patient data sheet mo."

May inabot syang papel at ballpen sa'kin, pa'no mawawala pagkainip ko dito? Para namang aabutin ng tatlong oras ang pagsagot ko dito.

Write Me a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon