20. Bakit Gusto Mong Kalimutan?

55 2 12
                                        

"Y-Yung kwintas mo," napahawak ako sa kwintas na suot ko.

"Ah ito ba? Bigay 'to ni—"

"Alam ko," tumingin s'ya sa malayo at naging seryoso ang itsura.

"H-Hubarin ko ba?" awkward kong tanong na nag-alangan pa ako kung sasabihin ko ba 'yon.

"Suotin mo. Ten years kayong in relationship kaya— ay nadulas ako!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig kong sinabi n'ya. Ten years! Sampung taon! One dacade!

"Ganun kami magtatagal? Eh bakit kami naghiwalay? Tsaka nasaan ka nun?"

Tumingin s'ya sa 'kin na parang kilalang-kilala n'ya ako. Nakakailang pero nahuli ko na lang ang sarili ko na nakipagtitigan sa kanya.

"Dahil dumating ako kaya naghiwalay kayo."

Hindi ko alam kung magtatanong pa ako o hahayaan ko na lang. Ang dami ko pang gustong malaman kaso alam ko naman na hindi n'ya ako sasagutin. Sa isang banda ng isip ko parang tama nga lang 'to, na hindi n'ya sabihin sa 'kin kung ano-ano pa ang mangyayari sa hinaharap. Baka kasi hindi ako handa sa maririnig. Baka dapat na hayaan na lang ang mga mangyayari.

"Vanilla—"

Tumayo ako para hindi na n'ya maituloy ang sasabihin pa n'ya.

"Diba ayaw mong magkwento? Ituloy mo lang. Hindi na ako interisado simula ngayon."

Iniwan ko s'ya at walang lingon-lingon na lumayo sa kanya.

Tama lang 'to. Ayoko na. Ayoko nang mag-isip nang kung ano.

Ang dami nang dapat isipin sa isang araw bakit kailangan kong problemahin ang hindi pa dumarating.

Pa'no kung iba ang mangyayari? Gaano ako kasiguradong ang sinasabi ni Andrei ang magkakatotoo? Paano kung joke lang 'to? Paano kung panaginip lang 'to? Paano kung—

"Sandali, Vanilla."

Hawak ni Andrei ang kamay ko at iniharap sa kanya.

Hindi ko na alam ang gagawin. Nalilito na ako. Ang kumplikado naman nito. Bakit kailangan akong guluhin ng hinaharap samantalang ang kasalukuyan nga hindi ko pa ma-figure out.

"Sinasabi mong ikaw ang magiging asawa ko sa future pero itinutulak mo pa rin ako kay Lucas. Parang wala kang pakielam sa 'kin. 'Wag ka nang sumagot kasi alam ko namang—"

"Sinong nagsabing wala akong pakielam sa 'yo?"

Nagkaroon ng kaunting saya ang puso ko sa narinig ko at sa itsura n'ya nang sabihin 'yon. Naramdaman ko pa ang paghigpit ng kamay n'yang nakahawak sa wrist ko.

"Sa edad natin ngayon anong magagawa ko? Hindi kita pwedeng yakapin o halikan—" tapos bigla s'yang tumigil sa sasabihin. Parehas kaya kami ng naaalala noong papunta ako sa supermarket at sumunod s'ya. Nag-iinit ang muka ko.
"—ginawa ko 'yon para ipakita sa 'yo ang future. Kita mo? Nagugulat ka sa mga ginagawa ko. Sa katawan nating 'to pag-uusapan tayo ng lahat kapag nakita tayong umaastang tunay na mag-asawa."

Natawa ako sa paliwanag n'ya. Ang cute ni Andrei. Ang cute ng magiging asawa ko in future. Ang swerte ko naman pala.

"Ang dami mo namang sinabi. Ang sabi ko lang 'wag mo 'kong ipagtulakan kay Lucas."

Bumuntong-hininga s'ya saka binitawan ang kamay ko.

"Vanilla!"

Parehas kaming napalingon nang marinig ko ang pangalan ko at nakita si Lucas na papalapit sa 'min. Sinilip ko si Andrei na nakatingin rin sa 'kin.

Write Me a Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon