33. Parte ng Nakaraan

38 1 1
                                        

"Sobra ka na. Ang dami ko nang tinitiis sa 'yo ah! Nagmamadali ako tuwing umaga dahil lagi kang mabilis kumilos at nagagalit ka kapag naghihintay ka ng matagal, nagagalit ka kapag kinakausap kita habang nanonood ka ng drama sa internet, pinapaglitan mo rin ako kapag may naramdaman yang talampakan mo na dumi sa sahig kaya napipilitan tuloy akong magwalis sa bahay tatlong beses isang araw! Tapos kaunting minuto ka lang naghintay ang dami mo nang sinabi!"

"Bumalik ka sa asawa mo at doon ka magreklamo! Bakit ba lagi mong binubunton sa 'kin yang mga yan eh anong malay ko d'yan! Ang issue natin ngayon napabagal mo kumilos, trenta minuto akong naghintay! Sinasayang mo ang oras ko! Sinasayang mo ang trenta minuto ng buhay ko!"

Parehas kaming hinapo sa dami ng sinabi namin sa isa't isa, kailangan muna siguro naming himinga at magpakalma.

Pupunta lang sana kaming mall para manood ng sine pero nauwi na naman kami sa pagtatalo.

Pinapakulo n'ya kasi ang dugo ko, napakabagal kumilos daig pa ang babae sa pag-aayos ng sarili. Ako nga pagkagising ko wala pa trenta minuto nakapag-ayos na ako at nakarating na dito.

"Sorry na. Napuyat kasi ako sa games kaya na-late ako ng gising," paumanhin n'ya kaya kumalma na 'ko ng tuluyan. Yun lang naman ang magic word eh.

"Gumagawa ka lang ata talaga ng dahilan para isumbat sa 'kin lahat ng paghihirap mo sa hinaharap," bara ko sa kanya na may halo nang biro na may halo ring panghuhuli.

Inakbayan n'ya ako at nagsimula na kaming maglakad palabas ng subdivision.

"Nandito ka ba para pag-isipan kung ako pa rin ang gusto mong makatuluyan o si Elizabeth na?" gatong ko pa habang magka-holding hands na kaming dalawa, pinisat n'ya tuloy ang kamay ko para siguro tumigil na ako sa mga pinagsasabi ko.

"Kapag ako talaga nahipan ng masamang hangin at ginawa ko 'yang sina-suggest mo, tatanda kang dalaga."

"Nandyan naman si Lucas."

Binitawan n'ya ang kamay ko at pumihit pabalik sa subdivision namin, buti napigilan ko. Nakakatawa talaga s'ya kapag ganyan kaya inuulit-ulit ko 'to eh.

"Sorry na. Hindi na uulitin," nakabungisngis kong paghingi ng sorry sa kanya, sana maniwala s'ya kahit tawa ako nang tawa.

Nasa kalagitnaan na kami ng panonood ng sine nang mahuli ko s'yang nakaidlip. Pili-pili pa ng panonoorin tutulungan naman pala. At least wala na akong kaagaw sa pag-ubos ng popcorn.

"Anong ginagawa ko dito?"

Hindi ko pa man din naiipapasok ang popcorn sa bibig ko ay napatulala akong nakatingin kay Andrei.

Napabuntong-hininga ako at napasandal. Babalik naman si Andrei maya-maya, wala pa five minutes. Ayoko din naman gumawa ng eksena dito sa sinehan na maraming nanonood.

"Ikaw na naman? Bakit lagi kang sumusulpot kung nasaan ako?" pagsusungit n'ya bago tumayo at lumabas ng sinehan.

Sinundan ko, baka kasi may mangyaring masama sa kanya.

Ang napansin ko lang sa kanya ay panay ang iling n'ya na parang napapaisip kung paano s'ya napadpad sa mall at katabi pa ako sa sinehan.

Huminto s'ya sa paglalakad at biglaang lumingon kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magtago.

"Sinusundan mo ba 'ko?" masungit n'yang tanong sa 'kin.

Nilapitan pa n'ya ako at namewang pa sa harap ko. Para naman akong kriminal na caught in the act sa itsura namin dito.

"Kung may isa mang tao sa klase natin ang pwede kong hindi pansin habang-buhay, ikaw 'yon. Kaya kung nag-iilusyon ka tungkol sa 'ting dalawa, gumising ka na."

Write Me a Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon