"Kanina ka pa pabalik-balik sa banyo!"
Ahhhhng sakit ng tyan ko. Ano bang kinain ko kanina?
"Namumutla ka na," pati si papa napansin na rin ang pamimilipit ng tyan ko.
"Hindi ka pa nasanay ate eh lagi ka naman nagkakasakit," sige side comment pa surot. Yari ka sa'kin kapag gumaling ako.
"Dalhin na natin sa ospital nang mapanatag na ako," mungkahi ni Papa.
"Pa magaling na 'ko!"
Pero kahit anong pagpiglas ko hindi nagpatalo si Papa. Ayoko sa hospital na yun. Baka makita ko sya.
Siguro dahil sanay na ang pamilya ko, may ready na silang bag at sobrang bilis nilang nakapaghanda ng mga bibitbitin. Sa isang iglap nakasakay na kami ng taxi.
"Pa~ Sa ibang~ Wag dun~"
"Malapit na tayo sa ospital," ang bilis naman magdrive ni kuyang driver ng taxi.
Oh hindi! Sana hindi sya nakaduty. Sana day off nya. Sana naka-leave sya. Sana nagresign na sya. Sana~
"Ano pong nangyari sa kanya?"
"Nagt@t@e sya."
Kahit anong sakit ng tyan ko pinipilit kong takpan ng hawak kong panyo ang muka ko. Sa dinami-rami ba naman ng nurse na pwedeng maka-usap ni Papa bakit sya pa?
Nagsusulat sya sa data sheet ko tapos tumayo sya para i-BP at kunan ako ng temperature.
Nilipat naman kami doon sa resident on duty at ayun nga pinaliwanag kong masakit ang tyan ko. Ang hirap i-explain kung pa'nong masakit, basta masakit.
Hihiga na sana ako sa bed nang lumapit sa'kin si kuya, may bitbit sya na iniabot sa'kin.
"Ma'am kapag na~"
"Oo alam ko," hindi ako makatingin sa kanya, hindi naman bago sa'kin 'to. Suki na 'ko ng ER pero ngayon kasi~
"Tapos ibigay nyo po sa'kin ulet."
"Ha? Pwede bang i-diretso ko na lang sa Lab?"
Ngumiti sya. Gusto ko na lang umuwi kahit magdamag sumakit tyan ko kesa naman sa nangyayari sa'kin ngayon.
Matapos ang masalimuot na pag-uusap na yun humiga ako sa kama na hinang-hina habang nakatulala sa kisame.
"Ano nang pakiramdam mo?" tanong sa'kin ni mama na busy maglaro ng candy crush.
"Mamamatay na ata ako, Ma."
"'Tong batang 'to para sakit lang ng tyan. Kung kumakain ka sana ng pipino edi sana maganda ang digestion mo."
Endorser talaga si mama ng cucumber oh.
"Mamamatay ako sa kahihiyan, Ma. Sa dami ng ospital bakit po dito pa? Alam n'yo yun, Ma? Inabot ko sa kanya yung ano, yung bagay sa sikmura kong nagpapahirap sa'kin ngayon."
Tinawanan lang ako ni Mama. Si Papa kasi nagpapa-approve ng health card sa HMO kaya kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dito.
"Ma naman eh. Parang hindi po kayo nag-aalala sa'kin eh," maktol ko. Mas worried pa sya sa level nya sa candy crush na yun eh.
"Hay naku, kung alam mo lang, inubos mo na lahat ng takot namin ng Papa mo. Tsaka bakit ka nahihiya kay Kookie—"
"Hala, alam ang pangalan?"
"Normal na lang yun sa kanya noh. Nurse s'ya."
Dumating naman yung doktor na tumingin sa'kin kanina. Bitbit na ata yung result ko.
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasyA fantasy story about someone who can 'edit' a love story-literally, so you can have your own happy ending.