Hindi ko kayang nakikita ang ate ko nang ganito. Nawala na s'ya sa sarili. Bakit nangyari 'to sa kanya?
Ilang taon na mula nang mamamatay si kuya Kookie dahil sa pagsabog noon sa isang mall nagkakaganito parati si ate.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa 'to ni ate. Sa tuwing maaalala n'ya si kuya at di n'ya kinakaya ang malulungkot ay ginagawa n'ya 'to.
Hindi na naman n'ya siguro ininom ang gamot na reseta sa kanya ng Psychiatrist n'ya.
Sa mga alaala ni ate nakukwento n'yang parang kahapon lang daw ang lahat kaya siguro hindi s'ya maghilom dahil yung sakit hindi n'ya maiwan-iwan.
"Ate! Umayos ka naman oh! Hindi mo pwedeng gawin yang mga naiisip mo dahil lang nawala s'ya! May sarili ka pang buhay! May pamilya ka pa!"
Buong lakas kong sigaw sa ate ko, gusto ko s'yang sigawan buong araw, gusto ko s'yang sampalin hanggang matauhan s'ya.
Naka-confine dahil sa suicide attempt. Hindi n'ya kinaya ang pagkawala ni kuya Kookie. Binalak n'yang wakasan ang lahat kaya ang sakit-sakit para sa akin na muntikan nang mawala ang ate ko sa amin.
Niyakap ko si ate, ayokong magkaganito s'ya, ayokong mawala ang ate ko.
"Ate, hindi mo kailangang mawala para lang matanggal ang sakit. Andito kami. Hindi ka nag-iisa," sabi ko sa kanya pero parang wala s'yang narinig, tulala lang s'ya.
Niyakap ako ni mama dahil hindi man lang ako sinagot ni ate, nakatitig lang s'ya sa kisame habang lumuluha. Nasasaktan ako. Sobrang sakit na makita ko ang kapatid kong nagkakaganyan.
Tinatagan ko ang sarili ko, hindi pwedeng pati ako mag-breakdown. Kailangan ako ng pamilya ko, kailangan ako ng ate ko.
Naglakad ako pauwi para kumuha ng ilang gamit ko, ako kasi ang bantay mamaya.
Sa lalim siguro ng iniisip ko hindi ko na namalayan na bansang-basa na pala ako ng ulan. Bawal akong magkasakit, pa'no ako makakatulong kung magiging pabigat ako.
Natanaw ko ang tagatanggal ng pagod ko, papalapit s'ya sa 'kin at may gamit na payong. Paglapit n'ya tumulo ang luha ko at niyakap n'ya ako ng mahigpit.
"Andito na 'ko, hindi ka na ulit iiyak."
Kapanatagan ng loob at saya ang bumalot sa puso ko nang dumampi ang labi n'ya sa labi ko.
"Nalulungkot ako, Andrei. Si ate. Kung may magagawa lang sana ako para hindi 'to mangyari, gagawin ko."
Hinaplos n'ya ang ulo ko at ngumiti s'ya sa 'kin.
"Ayokong nakikita kang umiiyak."
Nagising ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa muka ko.
Para akong nanggaling sa napakalalim na panaginip na hindi ko na maalala.
Tinanghali ako ng gising. Linggo ba ngayon? Buti na lang, linggo ngayon. Itinaas ko ang kamay ko para harangan ang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina at tumatama sa mata ko.
Nakita ko ang isang sing-sing na nakasuot sa daliri ko. Sa akin ba 'to? Paano ako nagkaroon ng ganito?
Napatakbo ako palabas ng kwarto nang maalala kong Biyernes pa lang. Isang oras na akong late sa klase! Halos magkandarapa ako kakamadaling bumaba sa hagdan namin.
"Ma! Di n'yo po ako ginising!" maktol ko habang nagtutumakbo papunta sa banyo. Abala si Mama sa panonood ng balita sa TV habang nagtutupi ng mga damit.
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasyA fantasy story about a man who can literally 'edit' a love story-changing the past to create a happy ending. But who's to say it will truly be happy?
