Chapter 1

56.1K 628 12
                                    

Kirsten's POV

"Kirsten! Kirsten!!! Lumabas ka dyan!! Alam kong nandyan ka sa loob!!! Wag mo akong taguan Kirsten!! Mag bayad ka ng upa mo!! Aba! I 2 buwan ka ng hindi nakakahulog sakin! Lumabas ka dyan Kirsten!!!"

Hindi ko pinapakinggan si Manang Auring, magsasawa din yan panigurado.

"Bibigyan pa kita ng isang linggo Kirsten!! Pag hindi mo ako nabayaran sa linggo sa labas muna pupulutin ang mga gamit mo!!!"

Phew buti naman at tumigil din sya, pano ba naman araw araw yang ganyan, akala mo hindi sya babayaran eh.

"Kirsten due date muna, kailan ka mag babayad?" Annie

"Oi! Yung utang mo bayaran muna!" Leria

"May balak ka pa bang bayaran ako hah? Mag iisang buwan na ang utang mo puro ka pangako!!!" Jaica

In-off ko ang cellphone ko, aarrgghhh!!! Wait niyo lang ako pag ako nag katrabaho ipapakain ko sa inyo ang pera. Hindi ba sila maka-intinde? Wala pa nga akong trabaho eh. Tumayo ako at naligo, kailangan ko ng makahanap ng trabaho. Kahit ano wag lang G.R.O, para makabayad na ako sa mga kautangan ko. Ilang minuto lang ay natapos na din akong maligo, kinuha ko na ang mga dapat kong dalhin. Tumingin tingin muna ako sa paligid baka mamaya nandyan si Manang Auring eh. Tuluyan na akong lumabas at sumakay na ako. 3 oras na akong nag hahanap ng pwedeng pasukan pero di ako qualified, puro mga college level ang kinukuha nila. At dahil High School graduate lang ako hindi nila ako tinatanggap.

"Miss, nag hahanap ka ng trabaho?"

Nagulat ako ng lapitan ako ng baklang to.

"Opo"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"May alam ako, maganda ka, matangkad, sexy, tiyak malaking pera ang maiuuwi mo niyan araw araw."

"Talaga po? Anong trabaho naman po yan?"

Nakaka excite naman ang offer ng baklang to. Lumapit sya sakin at binulungan ako.

"G.R.O hiring kami."

Bigla kong naitulak ang bakla.

"No thanks"

At iniwanan ko na sya, di niya na rin ako hinabol. Anong akala niya sakin? Di bale na lang, mas gugustuhin ko na lang maging katulong kaysa sa ganung trabaho. 2 oras pa ang lumipas, wala talaga akong makitang trabaho na pwede ako, wala pa akong almusal at tanghalian. Nagugutom na ako, mag kano na lang ang perang natitira sakin. Umupo muna ako sa bench.

"Aaarrgghh...pwe!!!"

Sisigaw pa lang ako ng tumama sa mukha ko ang dyaryo.

"Wow hah! Sinakto talaga sa mukha ko."

Itatapon ko na sana ang dyaryo ng may nakita akong hiring na nakalagay.

Now Hiring Maid

5 years contract
Willing to be stay in
Trust worthy
30,000 a month
Free food

(PS. If your end of contract you can get a house and lot and 1 million cash.)

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko, di na ako nag dalawang isip, pinuntahan ko ang address na nakalagay doon sa dyaryo. Nag tanong tanong lang ako dahil malapit lang to kung nasaan ako ngayon. Tinignan ko ang nakalagay sa dyaryo kung ito nga yung tinutukoy sa address. Tinanong ko muna ang guard kung dito nga yun.

"Opo mam dito po yan, ano pong kailangan niyo?"

"Ahmm, nakalagay kasi dito sa dyaryo na hiring daw ng maid..."

Tinignan ko ang dyaryo kung sinong hahanapin at nakita ko na kung sino.

"Hanapin ko lang daw si Mrs. Jolynn."

"Wait a second Mam"

Tumango ako.

"Good morning mam, may nag hahanap po sa inyo, mag aapply daw po sya as maid, ok po mam"

"Pasok po kayo mam, itanong niyo na lang sa receptionist kung saang floor si Mrs. Jolynn"

Tumango naman ako at pumasok na.

"Excuse me, saan po ang floor ni Mrs. Jolynn? Mag aapply ako sa kanya as maid."

May di-nial sya.

"Ok, nasa 15th floor sya, right side."

Tumango ako at pumunta nasa elevator, pag pasok ko sa loob may biglang pumasok na lalaki, na star struck ako sa nakita ko, adonis ikaw ba yan? Ang laki ng katawan, blue eyes at ang mga muscle! Wow! Mukhang yummy!!

"Aren't you done to checking me out?"

Nagulat ako ng magsalita sya, ganyan na ba ako ka-obvious na tinitignan ko sya?

"And why are you here?"

"Excuse me Mr. For your information public elevator ito. Lahat ng tao pwedeng gamitin to."

Ang pogi pogi mo pa naman pero ang yabang mo.

"Seriously? You didn't know who am i?"

Tinignan ko sya ng mabuti, baka mamaya artista sya or model. Pero hindi naman, di ko pa sya nakikita sa mga T.V or sa social media pano ko sya makikilala? Yung totoo? Naka shabu ba to?

"Mukha bang kilala kita? Natural hindi, tsss at wala akong balak kilalanin ka."

Mag sasalita pa lang sana sya ng biglang bumukas ang elevator, which means nasa 15th floor na ako.

"Bye Mr. Yabang"

At tuluyan ng nag sara ang pinto ng elevator, madali lang naman hanapin ang office ni Mrs. Jolynn, kumatok muna ako sa pinto niya.

"Come in"

Pumasok naman ako.

"Hi Im Kirsten"

"Oh hello, I'm Jolynn, what can i help you?"

Umupo ako sa upuan at nilabas ko ang resumè ko.

"Ako po yung mag aapply ng maid mam"

Inabot ko sa kanya ang resumè ko.

"Oh, you look so young Ms. Marano, why do you need this job?"

"Kailangan ko talaga ng trabaho mam, nag ikot ikot na po ako pero wala talagang tumatanggap sakin. Kailangan ko po ng pambayad ng bahay at pang bayad sa mga utang ko. Itong trabaho na lang po ang inaasahan ko.."

Mag sasalita pa lang sana ako ng sinenyasan na niya akong tama na.

"Ok ok, pasok ka na, here's the contract."

Kinuha ko kaagad ang kontrata at pinirmahan ko kaagad, di na ako nag basa basta pirma lang ng pirma.

"So ito ang susi ng bahay at address na pupuntahan mo bukas, stay in ka dito free lahat. May sarili ka ring room. Pumasok ka na lang doon dahil tulog pa siguro si Reece pag pumunta ka doon"

Inabot ko naman ang papel at susi sa kanya.

"Thank you po Mam Jolynn"

Tumayo na ako.

"Your welcome."

At lumabas na ako ng office niya, tuwang tuwa ako ng makalabas ako ng building. Sa wakas!! May trabaho na rin ako!! Makakapag ipon ako nito at makakapag aral ulit ako!!

(To be continued.....)

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon