#3: Because it's Her; Just Her.
RYLAN’S POV
“Tadaaa!! Ang dami kong hinandang pagkain!” Napatingin naman agad ako sa may table. Aba. Ang dami nga. Nakakagutom tuloy. Agad namang nagsilapitan sina Hanni.
“Ibang klase ahh!!” Tumikim na din ako. Masarap nga.
“Para sa inyo talaga yan, mga friends!” She value us so much. Kasi naman, kami nga naman ang first friends niya. Napangiti ako ng tumingin ako sa kanya. Ang radiant ng smile niya.
“Rylie!! Say ahh~”
“You’re annoying. Ako na.” Ayoko nan magpasubo ulit sa kanya. Bibigyang malisya lang ng mga gago.
“Ayy sungit. Ikaw na lang Jaring! Say aah~”
“Aaah! Bait talaga ni Ae! Payakap nga!!”
Pareho silang annoying. =_____= Bakit kailangan pang magyakapan diba?
“Ang sarap magkaron ng babaeng kasama sa Student-Council! Si Avi naman, mahiyain kaya hindi ko siya malambing ng ganto!” Pinitik ko tenga ni Jaring. “Araay!!”
Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Avi. “Oh. Nagla-lunch na pala kayo.” Mahinang sabi niya. Mahiyain si Avi. Hindi ko nga alam kung bakit yan sumali sa Student Council. Well, kung gusto niyang magbago eh okay lang naman.
“Avi!! Saluhan mo kami! Madami akong dalang pagkain!!” Lumapit siya kay Avi.
“Ah sige. Okay lang ako. May dinaanan lang akong files dito.” Pumunta siya sa table niya at umalis na agad. “Bye.”
Napansin kong nakatayo pa rin si Aeress sa may pinto. Lumingon siya sa amin. Ngumiti siya pero alam kong pilit lang. “Kain pa kayoo!!” Alam ko ang iniisip niya. Hindi pa kasi sila close ni Avi kahit 2 weeks nang tumatambay dito sa office si Aeress. Dito ko na siya pinatutuloy tuwing lunch and vacant time kesa naman nadon siya sa may oak tree.
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Teen Fiction[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)