#27: The Feelings are Mutual
XXxxXX
AERESS’ POV
Binigay sa akin ni Sky ang mga pictures nung kasal ng papa niya. “You look pretty in your dress, Aeress. Look oh.” Ngumiti na lamang ako. Binuklat buklat ko pa ang mga pictures. Ang saya ng kasal na yon. Kitang-kita kung gaano kainlove sa isa’t isa ang mag-asawa.
“Sayang at wala si Rylan sa kasal. Bat kaya siya umatras noh? Buti na lang may proxy agad!” Nakagt ko ang labi ko. Hindi dumating si Rylan sa kasal. Alam ko naman ang dahilan eh. Sinaktan ko siya.
“Aeress, may problema ba?” Umiling ako. “Namumutla ka.” Tumingin ako sa salamin. Namumutla nga ako. Nitong mga nakaraang araw, ang sama-sama ng pakiramdam ko. Lagi na ding sumasakit ang ulo ko.
Nago-over thinking lang ako. Umiling ako ng maigi. Dapat mag-focus ako sa ibang bagay. Wag puro Avi at Rylan!
“Aeress, you see… we have our play one of these days… I’m the main character…” Natuwa naman ako. Magaling din kasing umarte si Sky. Niyakap ko siya. “Ang galing mo naman, Sky.”
“Can you do me a favor? Ikaw ang gusto kong gumawa ng mga damit namin!” Mukang ito na nga ang hinihinta kong big break. Alam kong mada-divert ang isip ko sa pagagagawa ng damit!
“Oo naman! Dahil school festival ninyo, mukang wala din kaming pasok!” Niyakap niya ko. “Thanks Aeress!”
Pagbubutihin ko ang trabaho ko. AJA!
“Ae, ito na yung pinapakuha mo.” Ngumiti ako kay Jaring at nagpasalamat. Since, walang klase. Tumulong na din si Hani, Luhan at Jaring sa akin. Nakakaiyak talaga ang mga friends ko.
Lumabas ako ng room para tingnang mabuti ang langit. Nakakatuwa naman. Dati, kami ang may school festival. Highschool naman ngayon. At hanggang ngayon, gumagawa pa rin ako ng damit.
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Novela Juvenil[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)