#21: Ideal Future

454 6 5
                                    

#21: Ideal Future

----------------------xxx

 

“At doon nagtatapos ang aking kwento!” Sinarado ni Aeress ang librong hawak at ngumiti sa mga batang kaharap. “Ang ganda ng kwento diba??”

 

 

“Ala ay ikaw lang naman ang natuwa diyan sa kuwento! Pagkakaboring Ate Aeress!”

“Hindi pa lang kasi kayo marunong makaappreciate ng kwento, mga bata.” Tumayo siya at napansin niya ang magandang langit. “Mukang magiging maganda ang ani ngayon ng mga trabahador sa palayan. Tingnan niyo ang ganda ng langit.”

Dahan-dahan niyang hinawakan ang hair clip sa kanyang ulo at ngumiti. Ang hair clip na bigay ni Rylan sa kanya. “Ay pagkakaganda naman ng iyong puyod!” (Hair Clip)

May lumapit namang isang batang babae sa kanya. “Akin na lang yan, Ate!”

 

 

“Ah eh kasi…” Hindi niya alam ang sasabihin. Lumuhod siya katapat ng bata at hinaplos ang mga buhok nito. “Alam mo kasi… hindi ko siya kayang ibigay sa iba…” Lumabi ang bata. “Bakit? Galing sa kasuyuan mo?” Namula si Aeress. “Sabihin na lang nating bigay to ng pinaka importanteng tao… sa puso ko…”

“May kasuyuan si Ate Aeress!!” Sigaw ng ibang bata. “Hindi yun ganon! Wala akong boyfriend!” Lumungkot ang ekspresyon niya. “Imposibleng mangyari.”

Pilit siyang ngumiti at tumingin siya sa kanyang relo. “Nako, hapon na pala. Tara na sa kubo para magmeryenda!!” Tumakbo na sila.

Ilang minute ay nakarating na sila sa kubo. Nakita nilang naghahanda na ng meryenda ang mga trabahador. “Waaah! Uubusan tayo ng pagkain!” “Kamusta po ang pag-aani?”

 

“Ay salamat sa magandang panahon.” Sabi naman ng matandang si Tatay Benny. “Ay Aeress, hindi ka naman ba nababagot dine sa bukid??” Maiging umiling si Aeress. “Imposible po. Ang ganda kaya dito.” May lumapit naman na di katandaang babae, si Nanay Felisa. “Ay pasensiya na at pinagbantay kita ng mga bata.”

 

 

“Ayos lang po. Wala naman akong masyadong ginagawa.” Nagsimula na silang kumain.

SHE'S more [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon