#49: What important is the now.
XXxxXX
AERESS’ POV
*phone call*
Pipikit-pikit kong minulat ang mga mata ko ng marinig ko ang phone kong nag-iingay, agang-aga. Inalis ko ang nakayakap na kamay sakin at pinilit kong abutin ang phone ko na nasa side table lang.
“H-hello…?” Hindi pa ko makapagsalita ng ayos kasi inaantok pa ko. “Avi, ikaw pala…” Tumingin ako kay Rylan na katabi ko sa kama ko. Ang himbing tulog niya. “Barbeque party? Okay, kitakits na lang tayo mamaya.” Tsaka ko nilapag ang phone ko ulit sa side table at sumulyap ulit kay Rylan.
Humiga ako ng konti at hinaplos ko ang malago niyang buhok. So peaceful…
Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at pumikit ng mariin. Binigay ko ang sarili ko sa kanya. Hindi aksidente. Siguro, dahil sa bugso ng damdamin kaya nagawa namin yon. Pero sa nangyari, wala akong pinagsisisihan na binigay ko sa kanya, lahat lahat ng meron ako.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. Sa tuwing ginagawa niya yon, sobrang gaan lang at parang walang problema. “Good morning.” Tumunghay ako at nakangiti siya sa akin. Hindi ako nagsalita at gumanti na lang ng ngiti din.
“Bakit ka namumula?” Tanong ko sa kanya. “We’re naked under these sheets.” Sa sinabi niya, tumalikod agad ako. Bakit ba sinasabi niya yon na parang wala lang sa kanya? Hindi ba siya nahihiya?
Niyakap niya ko sa likod. So warm. “I’m so happy.” Napataas naman ang kilay ko. “At bakit naman?”
“Buti sayo ko naibigay ang virginity ko.” Tsaka siya tumawa ng malakas. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. “Wala ka talagang hiya!” Hinigit ko ang kumot sa kanya. Hindi na nga ako makatingin ng ayos sa kanya tapos magsasabi pa siya ng ganon.
“Aeress, are we okay?” Okay? Parang nagbago ang atmosphere. May nangyari na sa amin, okay na nga ba kami? Bati na ba kami? Kakalimutan na lang ba naming ang nangyari. Parang isang bula na tutusukin na lang para mawala agad?
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Teen Fiction[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)