#56: Regrets
XXxxXX
LUHAN’S POV
Binalutan ko ng kumot si Mirajane. “Good night, hon.” Ngumiti sakin ang asawa ko. “Good night din.” Hinalikan ko siya sa noo. “Matutulog din ako mamaya. Kakausapi ko lang sina Avi.” Tumango naman siya. Lumabas na ko ng kwarto namin.
Dumalo kami sa party ni Rylan. And ayoko namang mapagod ng matagal si Mirajane, umuwi na din kami agad. Nagtungo ako sa garden at nandon sina Avi, Hani and Jaring.
“Si Aeress?” Umupo ako sa tabi nila. “Hinatid na naming umuwi muna.” Sabi naman ni Hani. “Okay lang ba siya?”
“Mukhang dinadamdam niya kahit hindi siya nagsasalita.” Huminga akong malalim. Kahit hindi ko problema, sumasakit ang ulo ko.
“Kilala mo ba si Gabrielle Dixon?” Tumango sa akin si Avi. “Anak siya ng kaibigan ng papa ko. I think, Bree is her nickname. Madalas ko siyang Makita sa mga parties.” Narinig ko na ang apelyido niya from Dad.
“What do you think of her?” Sinamaan niya ko ng tingin. “Anong gusto mong sabihin ko? Kumampi sa kulugo mong bestfriend?” Napailing na lang ako. Galit si Avi kay Rylan. Well, kahit ako naiinis. He never told me about it. Masyado niyang mahal si Aeress para ibaling ang mga mata niya sa iba.
Pero anong nangyari?
Gusto kong isipin na ang laki ng pinagbago niya sa nangyaring hiwalayan pero iniisip ko ding nagpapanggap lang siya. Hindi ko na maintindhan si Rylan nowadays. Hindi na kami ganon kadalas na magkasama kasi busy na ko sa asawa ko.
“Okay. I think she’s a fine girl. And ang daming masaya para sa kanilang dalawa. Ang dami kong narinig na bagay sila.” Maganda naman talaga si Bree. Pero walang tatalo sa kagandahan ng asawa ko.
Napansin kong tahimik lang si Jaring. Tinapik ko siya. “May problema ka ba?” Umiling lang siya. Akala ko pa naman, siya ang mag-iingay kung gaano nasasaktan si Aeress ngayon. Ang lalim naman yata ng iniisip niya.
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Teen Fiction[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)