#23: Yes, It’s Love (Her Feelings)
XXxxXX
LUHAN’S POV
“Ihahatid na kita pauwi.” Umiling si Aeress. “Wag na, Luhan.” Nagpumilit ako. “Ayoko. Basta ihahatid pa rin kita.” Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na kami palabas ng school.
Ang daming tumitingin sa amin. Kalat na ba agad? Ang bilis naman.
“I’m sorry if I drag you into this…” Pilit akong ngumiti. “Ako dapat ang mag-sorry kasi nakisali pa ko. Pero ayaw naman kitang umiiyak ng ganon.” Umiwas siya ng tingin. Kelangan ko siyang tanungin tungkol sa nangyari kanina.
Tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. “Pwede mo kong pagkatiwalaan, Aeress. Pwede mong sabihin sa akin, lahat-lahat nang tinatago mo diyan sa puso at isip mo.” Tumitig siya sakin at ayun, paiyak na naman. “Ayokong gawin pero kelangan, Luhan…” Sabi na nga ba eh.
“Dahil ba kay Avi?” Umiling siyang maigi. May iba pang dahilan? “Nakatanggap ng pictures si Mr. Principal… Picture naming dalawa ni Rylie.. Madaming-madami.. I think, gusto kaming siraan ng nagpadala na yon.. kaya sinabi ni Principal na layuan ko siya…”
Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang may nanonood sa aming dalawa. Tumingin ako sa paligid. Napasulyap ako sa 2nd floor ng building katapat namin. May napansin akong tao. Isang babae. Nagliliparan ang buhok niya. At nakatingin siya sa aming dalawa.
Sino yun?
“Hindi ko alam kung sinong pwedeng gumawa nito, Luhan… Wala naman kaming ginagawang masama pero pag kumalat to… Hindi ko mapapatwad ang sarili ko kapag may hindi magandang sinabi ang mga tao kay Rylie.. Kasalanan ko to..” Niyakap ko siyang mahigpit.
Tumingin ulit ako sa taas at nakita ko siyang tumalikod na. Ngayon ko lang na-realized, nasa music room siya…
Teacher sa music room..?
Kailngan kong malaman kung sino yun…
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Teen Fiction[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)