#22: Fight This Feeling
XXxxXX
JARING’S POV
“Oh Jaring! Wala kang klase??” TanonG ng isa kong kakilala matapos niya kong Makita sa building nila. “Bakit ka nandito?” Actually, nandito ako para kay…
“Jaring…” Lumabas na din sa wakas ang inaantay ko. Si Aeress…
“Kanina ka pa ba diyan??” Inakbayan ko siya at naglakad na kami. Huhuhuhu. Na-miss ko ang kaibigan kong ito. Ang tagal-tagal niya sa Batangas. Okay lang naman na hindi niya kami niyaya, pero di man lang siya nagte-text o tumawag kung okay lang ba siya dun!!
“Namiss lang kita, Aeress.” Ngumiti siyang pilit sa akin. Napapansin ko parang ang lalim ng iniisip niya. May kinalaman ba kaya ito sa pakikipag-usap niya kay Mr. Principal kanina?
“Aeress..” Gusto ko sanang kausapin siya don. After all, kaibigan niya naman ako at pwede niya kong sabihan ng kahit ano. “Aeress, I saw you kanina na pumasok sa office ni Mr. Principal…” Sa sinabi kong yun ay sobrnag naalarma siya.Takte. May problema nga siguro.
“May nangyari ba, Aeress?” Hindi agad siya makapagsalita. Parang natatakot siya. “Aeress—
Tumingin siya sa akin na sobrang lawak ng ngiti. Hindi ito ang Aeress na kilala ko. Peke lang ang ngiting pinapakita niya. Ano nga ba talaga ang nangyayari sayo?
“Wala! Binigay lang ni Mr. Principal ang allowance ko this month! Bait niya noh.” Nauna na siyang maglakad. Alam ko talaga. May problema. Kailangan ko siyang kulitin.
“Aeress, sandal—
Hindi ko inaasahang may mabangga akong isang babae. Pagkakita ko, Waaaah!!! I think, teacher siya dito. Pormal ang suot eh! “Nako sorry po!!”
Nakikita ko ngayon ang mukha niya. Napatigil ako sandal. Parang pamilyar ang babaeng to. “It’s okay, handsome. Just be careful always.” Hinawakan niya ang pisngi ko at para akong estatwa na hindi agad makagalaw. Iba ang aura ng babaeng to. Parang nakakatakot. =____=
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Teen Fiction[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)