#51: Can I Fight?

250 6 4
                                    

#51: Can I Fight?

KYLIE’S POV

“Hooy!” Muntik na kong mapatalon ng biglang may sumigaw. “Jaycee, ikaw pala.” May dala-dala na naman siyang papeles na akala mo lagi ay nagbabahay-bahay at nagiinterview. Gusto kong matawa. “Nandyan ba si Kuya Ry?” Napaismid naman ako.

Wala siya.” Nasa labas kami at namamasyal kami ng alaga kong aso, paikot-ikot lamang kami sa may subdivision. “Oo nga pala, nabalitaan kong umuwi na ang mama mo. Congrats, pangarap mo yun diba?” Pilit naman akong ngumiti. Siguro, bumisita na si Mama kay Ate Mirajane.

May nakita akong puno at umupo ako sa lilim nito. Tumingin ako sa langit, maggagabi na pala. “Nagpa-practice ka bang umarte? Aalis nab a ako?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Bakit mo naman nasabi yan?! Gago ka talaga!”

 

 

 

“Aalis na ba ako?” Tumungo ako. “W-wag.” Nahihiya ako sa kanya. Hinahaplos ko lang ang fury hair ng aso ko, si Jayjay. Oo, pinangalan ko sa kulugong si Jaycee. Pero secret lang ha. Ssssh!

Tumabi siya sa akin. “Ano bang problema?” Huminga akong malalim. “Si Mama kasi.”

 

 

 

“Oh anong meron? Diba kasama niyo na siya?”

 

 

 

“Masaya naman ako kaya lang… kinakabahan ako.. alam mo na, yung tungkol kay Ate Aeress.” Napaisip naman siya. “Oh, okay.”

 

“Anong okay?! Natatakot talaga ako! Kararating pa lang niya, unang meet niya pa lang kay Ate Aeress…” Nangyari yon nung isang linggo. Naalala ko pa kung paano tingnan ni Mama si Ate Aeress. At kitang-kita ko din ang pagkatakot kay Ate.

Nakahinga na lang ako ng maluwag ng magpasyang magpahnga si Mama. Si Ate, pinauwi ko muna. Mukhang di magandang magtagal pa siya don. Tinawagan ko naman agad si Kuya, at dumating din naman siya agad.

SHE'S more [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon