#18: Group Dates.

504 7 7
                                    

-------------------------------------------xxxx

AERESS’ POV

Huminto ang kotse sa tapat ng school namin. Sumulyap ako kay Kuya Mikoel. “Salamat Kuya, sa paghatid.” He patted my head. “Don’t be too hard on yourself, Ae.” Pilit akong ngumiti. Hinatid niya ko sa school kasi galing ako sa sakit. May tatlong araw akong hindi nakapasok ng school. Pati trabaho ko, napabayaan ko. T____T

Haaaaay. Bumaba na ako ng kotse. “Ingat ka, Kuya!” Kumaway siya for the last time at umalis na. Kauuwi lang ni Kuya galing Manila. Pero di na siya umuuwi ng bahay ko. Madami siyang ginagawa at ayaw niyang maging burden kapag dun pa siya tumira sa bahay.

Nakangiti ako habang naglalakad. Habang nakikita ang mga students na nakikipag-usap sa mga kaibigan nila. Sa mga students na tumatakbo sa abot ng kanilang makakaya para hindi ma-late sa klase nila. I miss school. Ilang araw lang akong nawala pero parang ang tagal.

I miss school. I miss my friends.

 

 

 

 

I miss him.

>____< Ang Rylie na yon. Lahat bumisita sakin except him. Nakakapagtampo. Hinihintay ko pa naman siya.

Hindi ko siya papansinin mamaya! Bahala siya!

XXxxXX

“AERESS!!!” Yumakap agad sa akin si Jaring nang pumasok ako ng office.

“Namiss ko kayo!” Sigaw ko naman. Tumingin ako sa iba.

“You’re back.” –Luhan

SHE'S more [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon