#25: Helpless Hearts

368 4 3
                                    

#25: Helpless Hearts

XXxxXX

Dahan-dahang sinusuklay ni Avi ang kanyang buhok. Pero iba naman ang iniisip niya. Napansin niya ang phone na katabi, kinuha niya at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Luhan.

Huminga siya ng malalim. Ayaw niyang sagutin ang tawag at gusto niya lang mapag-isa ngayon. Pero talagang mapilit si Luhan at kanina pa siyang tinatawagan. Kaya wala siyang magawa kungdi tugunan na lang ito.

 

“Hello…” Mahinang sabi ni Avi. “Hi.” Pilit siyang ngumiti. “Napatawag ka.” Hindi agad ito umimik pero makailang sandali, “Well, gusto lang kitang kamustahin. Ilang araw ka nang wala sa school.” Napatungo si Avi at mapait na ngumiti. “Let’s have dinner, Avi. Nami-miss ko na ang kaibigan ko.”

 

 

“Luhan… I’m sorry but I want to be alone for now.” Tumingin si Avi sa picture nila ni Luhan sa side table niya. “If this is about shouting at me, you don’t have to be guilty.” Mabait si Luhan. Kilala niya ito at nagsisisi ito sa pagsigaw sa kanya. First time lang kasi. Gusto niya lang matawa.

Yeah, I feel sorry.” Sabi ng binata. “Don’t be. I deserved that. At nakita na rin kitang nagalit, I’m happy.” Rinig niya ang mahinang pagtawa ng binata sa kabilang linya. “Well, thanks for Aeress, though.”

Aeress..

“Luhan, thanks for the call. Hung-up ko na to.” Tsaka ko binaba. Nakatitig pa din ako sa phone ko. Pumunta ako sa gallery at tiningnan ko ang picture naming dalawa ni Aeress. Hinaplos ko yon. At hindi ko inaasahan ang pagtulo ng luha ko sa litrato naming dalawa.

Umiling ako at umiyak. Masakit pa rin hanggang ngayon.

“Miss Avi…” Lumingon ako sa may pinto nang tumawag ang maid. “Bakit?” Sabi ko naman. “Dumating po si Madam.” Napatigil ako sa pagpupunas ng luha. Mom’s back?

Agad akong bumaba ng hagdanan. At nakita ko si Mom na kausap ang mayordoma namin. Mukang napansin naman ako ni Manang kaya napalingon na si Mom.

SHE'S more [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon