#14: I hate you.

589 7 1
                                    

----------------------------------xxx

AERESS’ POV

Haaaaaay.

Hindi ko alam kung pang-ilang buntong hininga ko na ang nagawa ko. Ewan ko ba. Wala lang siguro akong lakas ngayon.

 

“Aeress, aalis na tayo.” Pilit akong ngumiti kay Kuya Mikoel at sinakbit ko na ang bag ko sa likod. Lumabas kami ng bahay at ramdam ko ang lamig sa aking balat. “Waaaah!” Di ko mapigilang mapasigaw.

 

“I told yah to wear a jacket.” Tinalsik niya ang sweater niya. “Thanks, Kuya.” Nasa bag ko jacket ko. Ayoko namang kunin at hassle.

Tumingin ako sa asul na langit. Ganito ako kapag madami akong iniisip. Sa dami ng iniisip, hindi ko na alam kung ano. Ang gulo ni brain diba? Sumasakit na nga ulo ko minsan eh. Haiiish. Napakamot ako ng ulo ko.

Mabilis akong naglakad habang yakap-yakap pa rin ang braso ko.

 

“Aeress, nakakatulog ka ba ng ayos?” Napatingin naman ako agad kay Kuya Mikoel. Nakakunot siya sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko. “Ang laki ng eyebags mo.” Umiwas ako ng tingin.

Pansin ko nga. Nitong mga nakalipas na araw. Hirap akong makatulog.

“Aeress, Help me.” Napapikit ako sa aking naalala. “Is there a problem?” Umiling ako. “Masyado ka na naman napaparanoid, Kuya. Alam mo, imbes na ako ang isipin mo. Bat di ka na kaya mag-girlfriend ha?” Pag-iiba ko ng usapan.

 

 

“Bat naman sa love life ko napunta ang usapan?” Nagpatuloy kami sa paglalakad.

 

 

“Siyempre, ang gwapo mo Kuya! A fighter. Pagdating din ba sa pag-ibig, palaban ka din?” Napataas ang kilay niya na para bang nag-iisip.

 

“I never had been committed kaya di ko kayang sagutin yan.” May point din naman siya. “Pero, if one day I find the one….”

SHE'S more [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon