#46: End it like this

233 6 1
                                    

 #46: End it like this

XXxxXX

MIKOEL’S POV

Tumunog na ang oven, meaning pwede ko nang kuhanin ang cookies na bi-nake ko. Isang lalaki, a karate fighter specifically, abalang-abala sa pagbe-bake ng cookies. I want to laugh.

“I can smell the scent of cookies here.” Napasulyap ako kay Avi na nasa living room namin. “Just a second, patapos na ko.” Inamoy ko nga ang cookies. Hmmm. This is the first time I baked, ayoko mang magmayabang pero I think it’s perfect. Inalis ko ang apron na suot ko at naghugas ng kamay. Kinuha ko ang tray at lumapit kay Avi. “Pakabusog.” Tumawa siya ng mahina at tumikim ng cookies na binake ko.

 

“How is it?” Nag-iisip siya habang kinakain ang gawa ko. Para tuloy akong nasa isang cooking show. Sana magustuhan ng magandang judge na nasa harapan ko ang pinaghirapan kong gawin.Yeah. It’s good.” I hate to smile when I’m happy kasi nagiging goofy ang ngiti ko. Ayokong makita niya yon. But I can’t help it. I’m just happy.

May dumi ba sa mukha ko?” Hindi ko namalayan na nakatitig nap ala ako sa kanya. “No, you’re just too beautiful.” Umiling siya. “Enough with that, Mik.” Mik. Yun ang tinatawag niya sa akin. Parang MikMik na tigpi-piso na tinitinda sa kanto. Yun ang tawag sakin ni Papa. Naiinis nga ako kapag tinatawag niya kong ganon… Pero bakit kapag siya ang tumatawag, okay na okay lang?

 

“I’m just saying a fact.” I just shrugged. Am I too in love? Does it show too much? Yun naman ang gusto ko eh. Ang maipakita ko sa kanya na mahal ko talaga siya. Am I just being paranoid na hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ko sa kanya?

Napatingin ako sa ibang direksyon. Kinwento ko sa mga kaibigan ko na nililigawan ko siya. They all just laughed at me. Isa daw akong pedo. I’m 24 years old, and I’m hitting on a student. Hindi nila naiintindihan na walang pinipili si Cupid na ipana. Pero masaya ako kung saan niya ko dinala ngayon.

Pero minsan, bakit hindi maalis sa isip ko na baka mahal niya pa rin si Rylan? Mahal niya pa ang boyfriend ng pinsan ko kaya ba hindi niya ko mapansin kahit anong gawin ko? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Well, ganito nga siguro kapag inlove.

“Anong iniisip mo?” Bumalik ako sa reality ng magsalita siya. “Nothing.” Nakita ko siyang huminga ng malalim at parang may iniisip.

SHE'S more [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon