#37.1: Listen to my Heart
XXxxXX
AVI’S POV
Nasa tapat kami ng bahay ni Rylan. Nakasandal ako sa may kotse at tahimik lang. Tapos na kayang kausapin ni Luhan si Mirajane? Nasabi na ba niya ang gusto niyang sabihin?
“Here.” Binigyan ako ni Mikoel ng coffee in can. “Thanks.” Sumandal din siya sa kotse. Tiningnan ko ang phone ko, nasaan na ba ang dalawang yon? Malalim na ang gabi at kakausapin pa namin si Rylan. Sasamahan ko pa si Aeress sa bahay niya.
Speaking of Aeress…
Kaninang tanghali, nakatanggap ako ng tawag from her. Puntahan ko daw siya. Pumunta ako sa lugar na sinabi niya sakin at nakita ko siya doon, nakaupo lang sa sahig at iyak ng iyak. Nagtataka ako kung bakit may punit ang damit niya. I’ve been busy lately and I felt so sorry na hindi ko man lang siya nakakamusta.
Nnag itanong ko naman sa kanya ang nangyari, hindi ko naman siya makausap ng ayos. Sinasabi lang niya na galit na galit si Rylan sa kanya, anong gagawin niya.
Dun ko nalaman kay Jaring ang lahat.
Naikuyom ko ang mga kamay ko sa mga naiisip ko.
Cyrish was right. Kahit ano, kayang gawin ng Miss Belle na yon. Pero naisip ko din na katulad ko din dati si Miss Belle. Hindi ko din matanggap sa sarili ko na may mahal na iba si Rylan. Siguro nga, pareho kami.
Napatingin ako kay Mikoel.
Pero iba na ngayon. At siya mismo ang ang nagpakita sakin non.
Tumingin din sakin si Mikoel. “Masyado ba kong gwapo?” Napabuga ako ng tawa. Ganon din siya. “Sira.” Alam mo yong nakakatawa? Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko ibang-iba ako.
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Teen Fiction[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)