#38: Realization

275 4 3
                                    

XXxxXX

JARING’S POV

Tahimik lang akong nakatingin sa bintana at iniisip ang nangyari kanina. Iniwan namin si Luhan at Rylan para mag-usap. Ano na kayang mangyayari sa dalawa?

“Ang dilim…” Pansin ko sa langit. Napaka-dilim.

“Jaring, may problema ba?” Lumingon sa akin si Avi. Narinig niya yata akong nagsalita. “Wala.” Tsaka siya ulit tumingin sa harapan. Sumulyap din ako kay Mikoel na abala sa pagmamaneho. Ano kayang meron sa dalawang ito? Napapansin ko lang naman na masyado lang silang malapit. Napailing na lamang ako.

May bago na ba ulit pag-ibig si Avi? Good for her if meron nga.

“Ah Mikoel, ibaba mo na lang ako dito sa may 7 11.” Agad naman siyang tumigil. “Jaring, wala pa tayo sa bahay niyo.” Ngumiti ako kay Avi. “Ayos na ko dito.” Bago ako bumaba. “Pakialagaan si Avi ha!” At napatawa ako.

“Jaring!” –Avi

“Got it.” –Mikoel

Nag-thumbs up ako kay Mikoel at bumaba na talaga ako. Pinanood ko na lang silang lumayo tsaka ako pumasok ng 7 11. Ano kayang mabili? Nakakapagod kasi kanina. Hindi ko nga alam kung bakit ako napagod, wala naman akong masyadong ginawa.

“Foot long nga.” Kinuha ko ang wallet ko. Ayos. May 50 pesos pa ko. “43 pesos po.” Takte ang mahal pala. Walanjo, buti may pamasahe pa ko. Masarap naman siguro.

Umupo ako sa may bakante at nilamon itong pagkain ko. Teka, hindi ko pa nga pala naii-text ang mga kapatid ko. Panigurado, nagkakagulo na naman sa amin kasi sila ang naiwan. Ang hihirap talaga pag merong kapatid na babae. At pag minalas ka nga naman, alagain pa dahil ako ang panganay.

SHE'S more [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon