#54: I wish

254 4 1
                                    

#54: I wish

XXxxXX

JARING’S POV

 

“Magkano kaya ang binayad ni Rylan dito?” Tanong ko kay Hani habang naglilibot kami ni Hani sa kabuuan ng bahay. Isang room lang to pero sobrang laki na. “Ang yaman ng kaibigan natin. Ano pa bang i-eexpect natin ha?” Pumunta kaming kusina para tumingin ng makakain.

Kumuha kami ng cake. “Ang swerte natin.” Nilamon namin ng katabi kong patay gutom ang chocolate cake na nakuha namin sa ref. “Okay. Masarap.” Nag-thumbs up pa kami. “Nasan yung iba?”

 

 

“Kausap ni Luhan si Rylan. Si Avi, kay Aeress.” Siyempre, sila ang mga bestfriends kaya sila na ang bahalang mag-counsel sa dalawang naglakas-loob magtanan noh.

 

 

“Pero anong masasabi mo sa pagtatanan nila? Itutuloy pa ba nila?” Hindi ko alam kina Avi at Luhan. Niyaya lang naman kami na sumama sa kanila.

Mahigit tatlong araw na walang balita sa kanilang dalawa. Alam niyo, tinuturuan ko ngang magturo ang kapatid ko nun eh. Nang biglang nagtext si Rylan. We’re leaving. Good luck. Nung una, di ko nagets pero nang malaman ko sa iba na nakataggap din sila ng ganong text, aba umalis nga ang dalawa. At para san ang good luck, diba dapat sila ang i-good luck ko?

 

“Si Aeress pa rin at si Rylan ang magdedesisyon.” Sa halip na magulantang ako sa pagtatanan nila, aba hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa pa ko. Para kasi silang nasa isang teleserye. Wala namang nag-aakala na hahantong sa ganto eh. Daig pa nila ang bawal na pag-iibigan ng mga napapnood ko sa telebisyon.

Humahanga din ako kay Rylan ha. Tinakas niya si Aeress sa mama niya. Well, silang dalawa actually. Bihira sa isang lalaki ang makipag-tanan. Pero hanggang kelan nila tatakasan ang problema nila? Paano bubuhayin ni Rylan si Aeress. Anong magiging epekto nito sa amin? Sa pamilya nila?

Naiwan na pala ako sa kusina. Sumunod na ako sa iba. Alam niyo, ang dami ng pinagsamahan ng dalawa. Alam kong malalampasan nila ang problemang to ng walang nasasaktan.

SHE'S more [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon