#31: Wrong Love

370 4 2
                                    

#31: Wrong Love

XXxxXX

BELLE’S POV

“I want to be a professional vocal trainer… Someday…”

 

 

 

“That’s good. But wanting is not the right word, Ma’am. You just don’t want it. You have to be.”

Yun ang huling katagang binitawan niya noong panahong aalis na ako sa paaralan na ito. Sino ba naman ang mag-aakala na ang salita niyang iyon ang magsisilbing gabay ko sa pagtupad ng pangarap na hindi ko naman inaasahan.

Palagi ko siyang nakikita. Masipag siya sa lahat ng bagay. Disiplinado, at merong isang salita. Kadalasan, sa mga taong pumapasok ng kolehiyo, gusto lamang i-enjoy ang buhay. Buhay na may pera, magkaroon ng pag-ibig, maging mature na tao. Pero iba siya. Gusto niyang baguhin ang paaralang ito.

Seryoso siyang tao. Hindi siya palangiti. Masasabing wala siyang social life kasi focus ang isip niya sa iisang goal lamang. Hindi ko alam. Gusto niya bang maging principal or what? Masyado niyang dinidibdib ang bagay na hindi angkop sa kanya. Bata pa siya. Batang-bata pa.

Baguhang teacher pa lang ako noon. Kakatapos ko lang din sa paaralang ito at nangangapa pa lamang. Kailangang tumindig ako sa sarili kong mga paa. Mga respetadong guro ang kasama ko at kailangan kong makibagay kahit papaano.

Dahil kasali ako noon sa choir, napili ako ng club bilang teacher nila. Kaya kong tugtugin ang flute, violin pero mas kaaya-ayang pakinggan at laruin ang piano. Iyon ang pinaka gusto kong tugtugin. Ang pagtugtog ko ng piano ang dahilan kung bakit ko siya nakilala.

Si Rylan.

Tapos na ang klase non. Hindi pa ko sinusundo ni Jake, ang bestfriend ko at student dito sa school. Wala akong magawa kundi tumugtog na lamang ng piano.

Hanggang sa dumating siya. Seryoso ang kanyang pagmumukha. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko natatakot ako sa tuwing makikita siya kahit ako pa ang matanda, teacher ako at mataas pa sa kanya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang may pinaabot lang siya. Akala ko aalis na siya ng… may sinabi siya.

SHE'S more [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon