#40: Jaycee’s Kuya
XXxxXX
10 years ago
“Give it back!!” Kinukuha ko kay Rylan ang cupcake na bigay sa akin ni Ate Mirajane. “Heey sino mesabi sayong kainin mo yan!!!”
“Hmm! Expected of Mirajane.” Binalik niya na sakin. “Dumbass Moron!” Sinapok naman niya ko. “Ouch!” Sinamaan niya ko ng tingin. “Kelan ka pa natuto magmura ng ganyan sa matatanda?”
I hate him. I hate him so much. I want to strangle him. He’s the worst. A demon.
“Kuya! Binu-bully mo na naman ang kapatid ko.” Niyakap ako ni Ate Mirajane. “He ate my cupcake…” Iyak na sabi ko. “Kuya naman eh. Kung gusto mo ng cupcake, bibigyan kita.” What?! No! Ako lang dapat makakatikim ng pagkain ni Ate Mira!
“Sige, bukas. Bigyan mo ko ha.” At umalis na nga ang demonyo.
“Tara na, Jaycee.” Yaya ni Ate pauwi.
6 years old ako noon ng tumira ako kina Ate Mira. Nakatira ako dati sa isang bukid at may dumating na lalaki sa bahay namin. Sinabi niya na anak daw niya ko. At bigyan ko daw siya ng chance na maging ama siya sa akin.
Nagbago ang buhay ko. Lahat-lahat. Ang dating totoy na masaya at kuntento na sa paglalaro ng paway sa kabukiran, ngayon ay napapalibutan na ng magagandang laruan. Ang dating tinutulugan ko na halos magsiksikan kami ng mga kapatid ko kuno, ngayon ay halos malula ako sa bago kong kwarto. Punit-punit na mga damit, ngayon ay branded na. Kung dati, hindi ako makapasok dahil wala akong baon, ngayon ay halos paliguan ako ng pera.
“Jaycee, tuturuan ka ni Ate ng assignment mo, okay? Kaya behave ka dapat sakin.” Ngumiti ako at tumango kay Ate.
Sabi ng tunay kong ama, magiging masaya ako sa bago kong buhay. Pero hindi. Kinamumuhian ako ng kanyang asawa. Sa tingin niya pa lang, gusto niyang wala ako sa pamilya nila. Kasi nga naman, isa akong taga-labas. Walang karapatan na maging isang Santillan. Nabuntis lang naman ang aking ina, at ako nga ang inilabas. Sinira ko daw ang pamilya nila.
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Jugendliteratur[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)