XXxxXX
JARING’S POV
Nakatingin lang ako kay Luhan na nasa computer lang ang atensyon. Gusto ko siyang sumbatan pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras. Ngayon, siguradong nag-aaway na si Rylan at Aeress.
“May kilala ka bang Jaycee?” Naalarma naman ako sa tanong niya. Kahit naiinis ako sa kanya, gusto kong magtiwala na kaya niyang ayusin ang gulong hinayaan niyang mangyari. “Wala.”
Naalala ko ang sinabi ni Rylan. Si Aeress ba ang dahilan kung bakit hindi na siya pumupunta sa office?
“I know you’re mad at me right now.”
“Buti, alam mo.”
“Pero hayaan mo kong gawin to para kay Aeress.” Ayan na naman siya. Para kay Aeress.
“Wag mong sabihing mahal mo pa rin siya?” Takte! Anong katangahan meron to?
“Jaring, ginagawa ko para maniwala si Rylan sa kanya. Kilala mo ko, kilala mo din si Aeress. You think, magagawa namin yon?” Hindi agad ako nakaimik. May tama siya. Pero may mga bagay na magagawa mo kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Kahit mali.
“I have a girlfriend.”
“G-girlfriend?!”
“Yeah. And I love her.”
Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Hindi ko yun sigurado nung una pero nang sagipin ko si Aeress kahapon, na-realized ko na pinagsisihan ko kung bakit tinulungan ko pa siya at ang girlfriend ko ang iniisip ko nung mga panahon na yon. Pero dahil mahal ko din si Rylan, di ko kayang pabayaan si Aeress.”
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Teen Fiction[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)