AERESS’ POV
“Aeress, are you listening??”
Bumalik ako sa huwisyo nang hinarap ni Sky ang mukha niya sa akin.
“Ah ano yon??”
Balik kong tanong. Lumabi siya. “Ano bang iniisip mo? You’re weird today!” Pilit akong ngumiti. Nilibot ko ang paningin ko.
Ang daming tao. Ang daming masasaya. Samntalang ako, hindi.
First day ng school festival. Pasalamat at natapos ko na ang mga duties ko sa tamang oras. Dapat masaya ako na maraming nakukuhang atensiyon ang mga damit na gawa ko.
“Aeress is Aeress. Nothing special. She’s not my anyone.”
Ilang araw na ang nakakaraan. Hindi pa rin yun mabura sa isip ko. Dapat nag-eenjoy ako. Pero bakit ganon? Ang lakas lang ng tama ko sa sinabi niya. Napaka-sakit. Wala ba kong halaga sa kanya? Bakit niya yon sinabi?
Wala ba kong kwentang kaibigan?
Pinaypayan ko sarili ko. Naiiyak na naman kasi ako. Aeress, dapat masanay ka na. Masakit naman talaga magsalita si Rylan eh. Gusto niyang sabihin ang gusto niya. Wala akong magagawa don. >___<
“Aeress!”
Ngumiti ako. Kasama ko ang kambal ngayon. Ayoko munang paka-isipin ito! Makakalimutan ko din naman yun eh!
“Nanjan na!” Lumapit ako sa kanilang dalawa.
Ginugol ko ang atensyon sa ibang bagay. Kung saan saan kami nakarating. Kung saan saan kami kumain. Ngayon ko lang, narealized… Itong mga damit na ginawa ko.. na suot ng mga tao… Dapat pala maging masaya talaga ako.
Huminga akong malalim at malawak na ngumiti.
“This is so cute! Ikaw ba talaga gumawa nito??”
Nasa anime club kami. Kung saan, may mga damit din akong ginawa para sa mga cosplayer. Ilan lang naman.
“Wag kang maingay, Sky. Secret lang.”
Tumango naman siya.
“Alam mo, Aeress. You did a good job.”
Sabi naman ni Blue. Nagulat naman ako sa sinabi ni Blue. Minsan lang yan magsabi ng maganda. Niyakap ko siya. “Heey!”
“Salamat Blue! Buti nandito kayo!”
“Is there a problem?”
Umiling ako sa tanong niya. “Umalis ka nga.” Yun nagsungit na naman.
“Bili na kayo ng takoyaki! Takoyaki!”
Narinig ko ang pamilyar na boses. “HANI!!”
“Aeress!”
Niyakap ko siya. Namiss ko ang baklang ito. Sa cosplaying nga pala siya naka-assign. Japanese era ang ginawa nila. So, parang nasa japan kami ngayon. *___*
“KONICHIWAAA!!”
Napatawa naman ako sa nihonggo niya. “Buti napadpad na kayo dito!”
“Hani, may mga kasama ako. Si Sky at Blue. Mga friend ko. Anak ni Principal.”
“Hi, kids!”
“Hello, Hani! You look cute! Gawa din ba yan ni Aeress?”
Tumangong maigi si Hani. “Thanks kay Aeress talaga! Ngayon lang ako gumanda! I love you, Ae! Bagy na bagay sa akin!” Buti naman at masaya siya.
“You look like a hooker.” Sabi naman ni Blue. “Blue!”
“Whatever!” Pumunta si Blue sa bilihan ng takoyaki. “Pagpasensiyahan mo na si Blue.”
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Teen Fiction[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)