#8: Her past with Rylan. Her future with Aeress.
------------------------------xxxx
AVI’S POV
13 years ago…
“Alix. Magiging okay ka dito.” Panay lang ang iyak ko sa Mom ko habang kinakausap ang teacher ng school na papasukan ko. I don’t like here. Ayoko ng mga tao. Takot ako.
Mga matang nakatingin sakin. Ang ingay-ingay. Tawanan na maririnig sa apat na sulok ng room. Naririndi ako.
6 years old ako nun nang ipasok ako ni Mom sa school. As a first grade student. Gusto ko sa bahay lang ako. Playing with my dolls, mamasyal sa garden namin, makipag-usap sa nannies ko. That is my life. Laging wala ang mga magulang ko dahil sa trabahong nakapatong sa kanila na hindi nila kayang maiwan.
Lagi nilang sinasabi na sooner or later, ako ang papalit sa kanila. Na kapag lumaki na ko, sa akin ipapamana ang kompanya. Bata pa lang ako, nagkaroon na agad ng malaking pressure ang sarili ko. Wala pa kong muwang, nagkaron na agad ako ng malaking responsibilidad sa mundo.
Nagkaron ng party sa mansion namin at pinakilala ako ng mga magulang ko sa mga tao. Kung paano nila ako tingnan, ngumiti at kung paano nila ako pag-usapan. I hate that. Hindi ako pumunta sa gitna ng entablado habang tinatawag ang pangalan ko ng mga magulang ko. Tumakbo ako palayo.
May nakita akong matanda at malaking puno sa labas ng mansion. I didn’t know na meron palang magandang puno sa bahay namin. Sumandal ako doon at nagpahinga. I noticed that plenty of leaves are falling, just like snow. Tumayo ako at pinakiramdaman ko ang mga dahon na lalaglag sa akin.
“What are you doing?” Natakot naman ako sa biglang nagsalita. Nakita ko ang isang batang lalaki, naka-suit. Malamang, bisita siya. “N-nothing.” Kelangan ko ng umalis. Takot ako sa mga taga-labas.
“Wow! This is amazing! Parang snow lang.” Napatingin ako sa kanya. Sinabi niya ang nasa isipan ko. Tumingin din siya sa akin at ngumiti. Hindi ko makakalimutan ang ngiting yun. Ginaya niya ang ginawa ko. Pumikit siya at naghihintay na may lumaglag na mga dahon sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit di ako umalis. Sa puno na yun. Kung saan nandon siya. Tahimik lang naming pinapanood ang mga dahon na naglalaglagan.
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Jugendliteratur[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)