XXxxXX
RYLAN’S POV
“Bye Miss Belle.” Kumaway siya sa huling sandali at lumakad na palayo. “She’s my teacher when I was a freshman. Natulong din siya sa student council eh. Umalis siya at pumunta sa ibang bansa. I’m glad she’s back.” Tumingin ako kay Aeress. “What’s wrong? May masakit ba sayo? You can tell me.”
Umiling siya. “Nothing. Gusto ko nang bumalik sa room ko.”
“Kasisimula pa lang nang pamamas—
“Rylan, gusto ko ng bumalik. Please lang.” Parang nagbago siya agad. May nangyari ba? “Okay.” Lumakad na kami pabalik ng room niya.
Alam kong may problema. Kasi, habang pabalik kami… lagi ko siyang kinekwentuhan. Pero di man lang siya umiimik. Maybe she’s just a bit tired and want to rest na. Pero I can feel that there’s something wrong. Nang makabalik na kami sa room niya, agad siyang humiga ng kama at nagbalot ng kumot.
“Magpapahinga na ko. Pwede ka ng umalis.” Hindi ko agad nasabi sa kanya na ditto ako matutulog. “I will sleep here.”
“Wag na. Umuwi ka na sa inyo. Maggagabi na oh.” Lumapit ako sa kanya at tumabi sa gilid ng kama. “Can you tell me what’s wrong? Kanina ka pang balisa diyan.”
Niyugyog ko ang kumot na nakabalot sa kanya. “Hey, Aere—
“Pwede ba?!”
“Ang init ng ulo mo. Ano bang problema?”
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Novela Juvenil[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)