#47: The Untold Truth

238 4 1
                                    

#47: The Untold Truth

XXxxXX

JAYCEE’S POV

Pinaypayan ko ang sarili ko. Alas-otso pa lang ng umaga, sobrang init na agad. Takte. Gusto ko ng ice-cream tuloy. Gusto kong magpahinga. Ayokong humarap sa mga documents ngayon. Kung alam ko lang na ganito kahirap ang pagigin president, sana hindi na lang talaga ako pumayag.

Dala-dala ko ang report na ginawa ko. Pupunta ako ngayon kina Kuya Rylan, kasi papakita ko. Siyempre, bilang isang former president, magpapatulong ako, baka may idagdag pa siya. Ayoko namang pumalpak. Ang hirap pala talaga no? Paano napabuti ni Kuya ang ganoong kalaking school. I feel so amazed.

Well, may inspiration naman si Kuya eh. Inlove yung tao. Hhhhmmm…

Pagpasok ko ng gate at nakia ko si Kylie, nasa may pinto nila. “Jaycee…”

Inspiration huh…

“Napadpad ka dito?” Hindi agad ako nakasagot. “Ahh, nandiyan ba si Kuya?” Lumungkot naman mukha niya. “Is there a problem?”

 

 

 

“Hindi siya umuwi kagabi. Nag-aalala na nga ako eh.” Pinapasok niya ko sa bahay. As expected, magarbo. “Jaycee, want to have breakfast with me?”

 

“Eh? Bakit ako?” Nandito lang naman ako para may ibigay kay Rylan. May dadaanan pa ko. “Please? I’m all alone now.” Hayop na Rylan nay an, iiwan-iwanan ang kapatid sa malaking bahay na to. “Sige na nga.” Hinila niya ko papunta sa dining area.

“Ano to?!” Puro sunog na pagkain ang nasa lamesa. “Ako nagluto niyan.” Tumalikod na ko pero hinila niya ko paharap ulit. “Kumain na ko sa amin.” Nagpuppy-eyes naman siya sa akin. Ginagawa niya yon dati kapag gusto niyang makipag-laro sa kanya. “Akala mo, mauuto mo ko sa mga mata na yan?”

 

“Well, I just thought… sige na nga, you can leave now.” Wow, parang nakonsensya naman ako. Napansin ko ang mga kamay niya na halos naband-aidan na lahat ng daliri. “Ano? Alis na!”

SHE'S more [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon