#53: How to live together
XXxxXX
AERESS’ POV
“Rylan, pag-isipan muna natin tong mabuti, please?” Nakatingin lang ako sa kanya, habang siya, busy sa pag-aalis ng damit ko sa cabinet para ilagay sa maleta. “Don’t worry, nakapag-pareserved na ko ng room sa isang hotel. Malayo dito.” Umupo ako sa tabi niya. Inaabala niya ang sarili niya sa mga damit ko, pero alam kong malalim ang iniisip niya.
Binabaliktad niya pa ulit ang mga damit ko eh ayos na nga. “Rylan!” Hinawakan ko ang mga kamay niya. “Hindi ba masyado tayong nagmamadali? Ito lang ba ang option na meron tayo?” Para lang hindi tayo maghiwalay? Gusto kong sabihin yon pero baka isipin niya na nagda-doubt ako.
“Yeah. Ito lang. Wala ng iba.” Napatungo ako at huminga ng malalim. “Aeress, look at me.” Hinawakan niya ang baba ko at hinalikan ako sa labi. Pumikit na lamang ako.
“Mahal kita kaya ginagawa ko to.”
Tama ba na ako ang piliin mo?
Bakit ba mahal na mahal mo ko? Bakit sa ngalan ng pagmamahal mo sakin, kaya mong isuko ang lahat? Pero ako, ni hindi ko naisip na makipag-tanan.
“You don’t need to worry, Aeress. All you need to do is trust me. I will take care of you.” Hinalikan niya ang noo ko at yumakap ako sa kanya.
Tinulungan ko na siyang mag-ayos ng damit ko. Hindi na ulit kami nag-imikan.
“I never thought makakapag-suot ka ng ganto.” Napasigaw naman ako ng may hawak siyang lingerie. Inagaw ko yun sa kanya. “Bastos ka!!” Binatukan ko nga. “Bakit hindi mo pinapakita sakin na nakasuot ka ng ganyan?” Nag-init bigla ang pisngi ko.
“Hindi akin to?! Kay Hani!” Namamasyal kami dati sa tiangge tapos nakakita siya ng lingerie. Binila niya tapos naiwan niya lang dito sa amin.
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Novela Juvenil[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)