#57: Together. Always.
XXxxXX
RYLAN’S POV
“Rylan? Come eat with us.” Napilitan naman akong saluhan sila ni Kylie. Talagang si Mom ang iniiwasan ko eh. Kitang-kita ko ang happiness sa mukha niya ng maipaalam na sa lahat ng tao sa party ko na ikakasal na ko.
Anong dapat ikasaya?
Tiningnan ko si Kylie na tahimik pa rin. Nagtatampo siguro na hindi ko siya sinabihan na may fiancée na ako. Kahit si Luhan, hindi ko nasabihan. Well, hindi naman dapat alalahanin na ikakasal na ko.
Yung taong inaasahan kong mag-alala, wala. Nandon siya pero wala siyang ginawa. Aeress, hindi mo na ba talaga ako mahal?
Sa sinabi ko sa kanya noong gabing yon, pinagdasal ko n asana tumutol siya sa mga sinabi ko. Na mali ako. Na mahal pa din niya ko. Isang buwan. Isang buwan ko siyang nakita , pinigilan ko lang ang sarili ko na yakapin siya. I missed her so much.
Gumagawa siya ng paraan para iwasan ako. At wala naman akong magawa don. Kahit pa na sinabi niyang tuparin ko ang hiling niya, hindi ko magawa. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Sa malayo.
Pero nung tumalikod siya, matapos i-announce ang magiging asawa ko? Dun ko narealized na huli na. Wala na siyang pakiealam sa akin. Hanggang kelan ko mararamdaman ang sakit na to? Ang hirap na kasi itago.
“Madam, dumating na po ang bisita niyo.” Nakita kong lumitaw si Bree. Ang fiancée ko. “Nandiyan ka na pala, anak.” I tried not to roll my eyes. I hate this. Parang akala mo ngayon lang nagkita.
“Why don’t the two of you go for a shopping?” Tumingin ako sa relo ko. “Male-late na ko.”
“Anak, wala namang mawawala sayo kung bibigyan mo ng konting time si Bree diba? Sige na, ipasyal mo na siya.” Nagkatinginan kami ni Bree. “Fine. Let’s go, Bree.”
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Teen Fiction[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)