#44: Good and Bad side, I still love you
SORRY SA ERRORSZ
XXxxXX
RYLAN’S POV
The number you dialed is busy at the moment. Please try again later.
Napasimangot ako sa phone na hawak ko. Kanina ko pang tinatawagan si Aeress, hindi niya sinasagot. Takte, hindi niya ba ko kakamustahin pagkatapos niya kon iwan, mas piliin si Cyrish kesa sa akin? Tch.
Tanghali na ko nagising kasi naglaro kami ng video games nina Luhan at Jaycee. Inabot na kami ng madaling araw. Pagkagising na pagkagising ko, tinawagan ko agad ang girlfriend ko. Hapon na, hindi pa rin sinasagot mga calls ko.
Tinapon ko sa kama ang phone ko. Walanghiyang Cyrish na yon. Saan naman niya dinala si Aeress? Pasalampak akong humiga sa kama at pumikit ng mariin. I miss her so bad. Bad, bad, bad. Isang araw ko na siyang di nakikita. This is supposed to be our bonding together.
“Hindi mo ba ko namimiss?” Nakakapagtampo naman.
TOK TOK!
Agad akong bumangon. Aeress?!
“Ako to si Jaring!” Argh! Narinig kong binuksan niya ang pinto. “Ang sama agad ng tingin mo sakin.” I just rolled my eyes. “Wala ka bang balak lumabas?”
Humiga ako ulit sa kama. “I’m waiting for Aeress. Hindi ko alam kung nasan siya. Geez, mag-iisang araw ko na siyang hindi nakikita!” Matatamaan talaga sakin si Cyrish pag nakita ko siya. =___=
“Wala ba siyang sinabi sayo?” HA?!
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Teen Fiction[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)