---------------------------------------xxxx
AERESS’ POV
“Oo, Kuya. Don’t worry na. Nakakain na ko. Naman eh! Baka mamaya, makabalik ka pa dito! Okay lang sabi ako!” Napatawa na lang ako kay Kuya Mikoel. Kahit kelan, napaka-over protective.
Parang si Rylie lang.
“Sige Kuya. Hang-up ko na to.” Binaba ko na ang phone ko. Umalis si Kuya papuntang Manila. May kontrata kasi siyang pipirmahan. Bagong ie-endorse niya. Sumisikat na ang Kuya ko.
Lumabas ako ng bahay. Walang bituin sa langit. Maganda pa naman sanang manood at baka makakita ako ng shooting star.
*phonecall*
“Hello?”
“Aeress.” Natigilan ako. “A-avi…”
“Nandito ako sa baba ng terrace niyo.” Ha?! Tumingin ako sa baba at nakita ko siyang nakangiti. Kumaway siya sa akin.
“Miss na miss na kita. Pwede, wag na tayo mag-iwasan? Di ko na kasi kaya.” Napapikit ako. Bakit nga ba nangyari samin to? >____<
“Umakyat ka na dito. Malamig diyan eh.”
XXxxXX
Naghanda ako ng dalawang silya at nakatambay kami sa may terrace namin. Pareho lang kaming tahimik. Bakit nga ba kami naging ganto ka-awkward? Simula nang umuwi kami galing sa resort, di na kami nag-usap. Tsaka, wala akong pasok ng ilang araw. Tapos, dahil sa dami ng ginagawa… Hindi na ko nakakapunta ng office. Na dati-rati, nauuna pa ko. Na sabik pa kong makita sila.
BINABASA MO ANG
SHE'S more [CMPLTD]
Jugendliteratur[BTOPINK Sungjae and Namjoo] She's not what I'm looking for. She's more. -Rylan Ezekiel Thanks for reading :)