#50: The Another

253 5 2
                                    

#50: The Another

XXxxXX

RYLAN’S POV

Bumaba ako ng hagdanan. Papasok na ko ng office. Dumaan muna ako ng dining area para kumuha ng food.

“Hmmm…” Okay naman ang lasa ng pagkain na to ha…. Sino kayang gumawa nito? “Sir, dadaan po ba tayo sa bahay nya?”

 

“Yeah. Madali lang tayo.”

Binaba ko ang bintana ng kotse at nakita ko si Aeress sa may kalayuan. Hindi na ko nag-bother na lapitan siya. Gusto ko lang talaga siya makita. Mukhang papasok na siya ng school. Sinarado niya na ang pinto. “Punta na tayong office.”

3 wweks na ang nakakaraan. Okay na okay na talaga kami. Umalis na si Papa, papuntang ibang bansa. Bago siya umalis, nag-usap naman kami at napatawad ko na siya sa mga sikretong tinago niya. Hiniling din niya na makausap si Aeress.

Thankful naman ako na pumayag si Aeress na makapagusap kay Papa. Ngayong klaro na lahat, I think wala ng problema. Past is past. Ang importante ay ang ngayon.

Pumasok na ko ng office at nginitian ang mga bumati sa akin. Madami akong gagawin ngayon. May dalawa pa kong meeting. Pagkatapos nito, yayayain kong mag-dinner si Aeress. Madami din yung ginagawa, kasi nagte-thesis na siya.

Pumasok ako ng room at malapit pasimula na ang meeting. Nasa gitna na ng makaramdam ako ng pagkahilo. Tsk, hindi lang to first time. Parang may isang linggo na kong nahihilo, to the point na parang tutumba na nag katawan ko. Ano kayang nangyayari sakin?

Padabog kong tinalsik ang mga folders na hawak ko sa mesa ko. “I’m sorry, sir!” Napasimangot ako sa secretary kong nerd. Sinabi ko sa kanya na importante ang meeting ko with the client pero hindi niya agad nagawan kami ng schedule. Uminit bigla ang ulo ko. Mas lalong sumakit ang ulo ko.

SHE'S more [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon