"SIT DOWN! Ang iingay nyo! Kung umasta kayo para kayong hindi college student! Hindi kayo elementary. Kung mag-iingay kayo lumaba---"
BLAAG!
Natumba ang bangko ni Kreuz. Isinalpak nya ang ang headphone sa tenga nya at inilagay ang dalawang kamay nya sa bulsa nya. Dire-diretso syang lumabas ng classroom ng walang imik, kaya lahat kami nakatingin lang sa kanya hanggang lumabas.
Nagsimula ng mag-ingay ulit.
"Hala! Nagalit ata si Kreuz mylabs."
"Sir! Kasalanan mo to!"
"Anyare?"
Konting effort na lang magmumukhang toro na si Sir sa sobrang galit. Tsk.
"Sir? Hindi pa po ba kayo lalabas? Time na oh!" Biglang sabi ko na mas lalong ikinagalit ni sir.
"Mga bwiset!"
Lumabas si Sir ng classroom. Tumayo na rin ako at pumunta sa cafeteria, bigla akong naconcious ng mapansin kong nakatingin lahat sa akin ang mga estudyante, yung iba natatawa, yung iba naman gulat na gulat, why?
Nasaan na ba kasi sina Tina? Mukhang nagboboy hunting na naman yun. Tsk. Hanggang sa nakaupo ako, habol pa rin ang tingin nila sa akin.
"What?" Mataray kong tanong.
Tinuro nila ang likuran ko kaya automatic na napahawak ako sa likod ko at may nakapa akong papel na nakadikit.
What the?
Parang gusto kong pumatay ng mabasa ko ang nakasulat doon.
'I LOVE KREUZ'
Naku! Nakakapanggigil! Ugh! Ang kapal ng mukha! Nilibot ko ang mata ko at nakita ko syang prenteng nakaupo sa dulo habang ngumunguya ng bubble gum at bored na nakatingin sa akin.
"Damn you!" I mouthed pero no reaction lang sya.
Lumapit ako sa table nya.
"Ang kapal ng mukha mo! Hoy! Wag kang feeling! Hindi ka gwapo kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sayong patiwakal ka na!"
Ilang seconds lang nya akong tiningnan at tumayo at umalis na.
"Mamatay ka din!" Gigil na pahabol ko.
Humarap sya sa akin.
"Sana ikaw din." He smirked and continue his way out of the cafeteria.
Pakiramdam ko anytime sasabog ako sa galit. Tahimik lang ang mga tao sa loob ng caféteria habang nakatingin sa akin.
"Anong tinitingin-tingin nyo dyan? Dukutin ko mata nyo eh!" I rolled my eyes at them. Hindi pa nga pala ako nakakapagrecess. Ugh!
Dumiretso muna ako sa garden tutal wala pa naman akong klase. Buti na lang walang masyadong estudyante dito. Ginamit kong unan ang braso ko at saka pumikit habang nakahiga sa damuhan.
-
Napabalikwas ako, hala! Nalimutan kong may klase nga pala ako. I glanced at my wrist watch, 3:30 pm na. Ugh! 2 klase ang namiss ko. Dali-dali kong inayos ang sarili ko at tatakbong bumalik sa room.
Nakatingin na naman sa akin ang mga kaklase ko. Don't tell me may ginawa na naman si Kreuz? Hindi pa ako nakakaganti .
Lumapit sa akin si Tina at inabutan ako ng salamin.
"Para san to?" Naguguluhan kong tanong.
"Look at your face." Sabi nya.
Kinuha ko naman agad yung salamin.
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Romance"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena