Prente akong umupo sa harap ng salamin habang inaayusan ang sarili ko. Wala si Thea ngayon kaya nag-ayos muna ako habang hinihitay sya sa loob ng dressing room. Napahinto ako sa paglalagay ng false eyelashes ko nang bumukas ang pinto. Agad na napataas ang kilay ko nang tuluyan na syang pumasok.
"Aren't you tired of ruining my life, Audrey?" Mariin kong tanong. Prente syang umupo sa couch habang nakacross arms. Ngumisi sya at nagpanama ang paningin namin sa salamin.
"Wag kang mag-alala dahil masyado na akong naging manhid para mapagod." Narinig ko pa ang malademonyo nyang tawa. "Nandito lang naman ako para balaan ka, Hershey." Ramdam na ramdam ko ang pandidiri nya habang binabanggit ang pangalan ko.
"Wala akong panahon makipaglaro sayo, Audrey."
"Hershey, Hershey, Hershey." Ngumisi sya at lumapit sya sa likuran ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. "Do you know what is the best part of playing?" Hinaplos nya ang buhok ko at agad kong tinabig ang kamay nya at binigyan ko sya ng masamang tingin. "When you fell for him and you're happy then-----" Ngumisi sya. "Boom! You'll end up getting hurt. And do you know what does it feel?" Narinig ko ang pait sa tono ng pananalita nya. "It feels like you've been in a place where there are lots of ticking bomb that anytime you'll explode but the worst thing is-------" Nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko. "You can't do anything about it."
Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko pero nanatili akong kalmado sa harapan nya. Iniharap nya sa salamin ang palad nya. "Nakikita mo ba ang palad ko?" Ngumisi ulit sya. Nakakainis! "Umiikot ka lang dito, naglalaro at magigising ka na lang sa nakakagulantang na anunsyo. The game is over and you lose." Tumawa sya ng mapang-asar. Dammit! Tell something Hershey! "Because the moment you get jealous to me is actually the start of your greatest fall." Pumalakpak sya. "Bravo! Smooth and exciting play. You get jealous and you realize that you've fallen for him. Nice landing because he catched you. Mga tanga!" Umiiling-iling syang lumabas habang nakangisi.
Hindi ko napansin na kanina pa pala akong nagpipigil ng hininga. Napahawak ako sa tuhod ko upang suportahan ito sa tuluyang panghihina.
Her plan.
She want to destroy our relationship. And we can't do anything about it. Tama sya, simula nang pagselosan ko sya, noon ko lang nalaman ang tunay kong nararamdaman kay Kreuz. Dammit!
Mabilis kong hinanap ang bag ko para hanapin ang gamot ko. Agad ko itong binuksan at ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang isinusubo ito. Pumikit ako ng mariin at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Napahawak ako sa ulo ko nang muli kong naramdaman ang pamilyar na sakit na epekto ng gamot.
Nagmulat ako ng mata ng makaramdam ako ng relief. Nawala lahat ng masasamang bagay na iniisip ko.
Kalmado. Yan ang nararamdaman ko.
Tumayo ako para lumabas ng dressing room. Napaawang ang labi ko ng hindi ko mapihit ang doorknob.
Sh*t!
She locked me! Nasa labas nito. Pakiramdam ko mababaliw ako.
"Get me out of here!" Pinaghahampas ko ang pintuan ng dressing room ko. Tuluyan akong nakaramdam ng panghihina ng sumagi sa isipan ko kung anung klaseng room to.
Sound proof.
Nanghihina ako na umupo sa gilid at niyakap ko ang dalawang binti ko gamit ang mga braso ko. Unti-unting pumatak ang luha sa mata ko. Natatakot ako.
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Romance"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena