"H-ha? S-sure." bigla kong sagot.
SHIT! WHAT DID I JUST SAY?! Dammit, Hershey! Just shut your mouth. Halos sumakit ang ribcage ko sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Marahan nyang hinila ang bangko at saka naupo. Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong puno na ng mga tao at tanging ito na lang ang vacant seat na mas malapit. So kaya ba siya naupo dito? Hayst, Hershey, wag kang kabahan jan. Hindi ikaw ang ipinunta nya dito.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at saka dinampot ang menu sa ibabaw ng table. Nakita kong ganun din ang ginawa nya. Binuklat ko ang menu at binasa ito. Pilit kong ibinaba ang tingin sa menu pero kusa itong bumabalik sa lalaking kaharap ko. Nakacross legs sya habang tamad na binubuklat ang menu. Hindi ko maiwasang pagmasdan sya kahit na kabadong-kabado pa rin ako. Bahagyang nakakunot ang kanyang makakapal na kilay at natatabunan ng malalago nyang buhok ang seryoso at malalalim nyang mata. Precian's face suddenly flashed on my mind. He's more like a child version of him. Bumaba ang tingin ko sa matangos nyang ilong hanggang sa tumigil ito sa mga labi nya. Pilit kong kinunot ang noo ko nang maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Medyo nakasimangot pa ito kaya kitang-kita ang kurba ng mapupulang labi nya. Hindi ko na namalayan na nagtagal na pala ang titig ko dun. Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla syang nag-angat ng tingin sa akin dahilan para agad kong ibalik ang mga mata sa binabasa ko. Damn! Itinaas ko nang bahagya ang menu para matabunan ang mukha kong tiyak na namumula na ngayon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi naman nya siguro ako nahuling nakatingin di ba? Nang maramdaman kong hindi na sya nakatingin ay muli kong ibinaba nang konti ang binabasa ko para tingnan sya. Pero mas lalo lang namula ang mukha ko nang makita kong nagpipigil sya ng ngiti. Pilit nyang ikinukunot ang noo nya kahit na alam kong natatawa na sya. Damn you, Kreuz! Mabuti na lang at dumating na yung waiter para kunin ang order namin. Shit. Wala pa nga pala akong napipili. Una syang lumapit kay kreuz.
"Excuse me, Mr. Onessa. Can I take your order now?" what? Kilala nya si Kreuz? So that means na madalas sya dito? Napairap na lang ako.
"Beef steak and vegetable salad will do." rinig kong sagot nya at ibinaba ang hawak nyang menu saka tumingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
"How about you, Mrs. Onessa?" halos mabilaukan ako sa sarili kong laway sa tanong nya. What the hell? At dahil hindi ko alam ang oorderin.
"A-ah, ganun na lang din." sagot ko. Ramdam ko ang titig ni Kreuz pero hindi ko sya sinulyapan man lang ganun pa man kita ko ang bahagyang pagsilay ng ngisi sa labi nya. " Okay mam, sir." sabi ng waiter at umalis na.
I crossed my arms at saka ibinaling ulit ang tingin sa labas. Medyo gumagabi na pala at makulimlim pa rin ang langit. I can still feel kreuz' stare. Sa pagkakatanda ko hindi naging maayos ang huli naming pag uusap kaya bakit ganito sya ngayon? I even told him to leave me alone pero heto sya sa harap ko na parang walang nangyare. Napairap ako sa kawalan.
"You're still good at rolling your eyes." kumento nya. Mabilis ko syang nilingon na masama ang tingin. "So?" taas kilay kong tanong. Feeling ba nya okay na kami? Tss. But I just heard him chuckled softly. Mas lalo ko syang tiningnan ng masama habang natatawa pa rin sya.
Naputol lang ang masamang titig ko sa kanya nang dumating na ang waiter dala ang order namin. "Here's your order, Mam, Sir. Enjoy your date." sabi pa nya.
"We're not-"
"Thank you." putol ni Kreuz sa sinasabi ko at umalis na yung waiter. I gave him a what-the-hell-are-you-doing look pero nagsimula na syang kumain at hindi ako pinansin. Aba!
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Lãng mạn"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena