Chapter 19

510 27 0
                                        

Tinungo ko ang malaking salamin sa harap at mataman kong pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. Katatapos lang ni Thea na ayusan ako for my next scene.

"Ms. Walter, ikaw na po ang sunod." Tawag ng isang staff. Sumunod naman ako at pinayungan ako papunta sa set. Agad na nahagip ng mata ko si Audrey na may nakaplastang ngisi sa labi. What the hell is wrong with her?

"Your scene would be a cheerful one. Kailangang makita ang pagiging close nyo." Ani ni Direk sa amin ni Audrey. Nagtaas ako ng kilay. Is that a kind of joke? Seriously? Tss.

"Close huh?" Nakangiwing sambit ni Audrey habang pinapaikot sa kanyang daliri ang phone nya.

Pumwesto na kami at tinutok nila ang camera sa amin. Damn. Paano ko ba to gagawin na hindi mahahalatang nakikipagplastikan ako?

"Lights. Camera. Action!"

Agad na binasa ni Audrey ang kanyang linya.

"Gusto kong makilala mo ang ginoo na nakilala ko. Isa syang matipuno at halatang kakikitaan ng katapangan." Litanya nya. Naiinis ako! Pero I need to prentend. Binitawan ko ang linya ko.

"Ngunit, hindi ba't mahigpit ng ipinagbabawal ang pagkakaroon ng isang relasyon sa pagitan ng anghel at demonyo?" Litanya ko.

"Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Sa takdang araw ay makikita mo rin ang ginoo na tinutukoy ko." Aniya.

"CUT! Good job!" Direk.

Agad akong napangiwi ng marinig yun. Gusto ko ng sampalan na scene tss. Nakita ko ang paglapit ni Thea sa pwesto ko.

"Reresbakan ko na ba?" Natatawang bulong nya sa akin. Napahalakhak ako sa sinabi nya.

"Hayaan mo na sya, bakla." Sagot ko.

"Samang makatingin eh!" Aniya. Napailing na lang ako habang nakangiti. Nakakatuwa dahil kasundo ko si Thea atleast for now may makakausap ako. Kung tutuusin hindi mo maiisip na bakla si Thea dahil hindi sya katulad ng ibang bakla na may kolorete sa mukha. Simple lang sya at panlalaki ang porma. Gwapo sya kaso nga lang pusong babae. Karamihan talaga ng gwapo, BAKLA.

Except him. Except Kreuz.

Defensive Hershey? Really.

Naramdaman ko ang pamilyar na titig. Napalingon ako sa gilid at tama nga ako, nakatitig si Kreuz sa akin ng malalim.

Ano na naman bang problema nya? Wala naman akong ginagawa ah!

Kinulot ni Thea ang buhok ko.

"Anong real name mo Thea?" Tanong ko.

"Haha wag na." Tugon nya.

"Oh c'mon! Spill it." Natatawang sambit ko.

"Matthew Theodore." Sagot nya.

"Seryoso?" Tanong ko.

"Yeah." Sagot nya. Infairness ang manly. Haha. Nag-usap at nagtawanan pa kami tungkol sa buhay nya.

"Did I missed something?"

Bigla akong napatigil sa pagtawa at nabaling ang atensyon ko kay Kreuz na nakacrossarms sa harapan ko.

"Kreuz!" Sambit ko. Hindi nya ako pinansin at makahulugang tingin ang binigay nya kay Thea.

"I'll go ahead, Ms. Hershey." Paalam ni Thea sa akin.

"Ha? Stay here. Kreuz won't mind." Kumbinsi ko kay Thea para hindi na sya umalis.

"Yeah. I won't mind if he would go." Supladong sagot ni Kreuz.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon