Chapter 10

628 27 0
                                        

Andito kami ngayon sa music room. Sa isang araw na kasi yung school festival at puro rehearsal lang kami.

"5 minutes break." Suhestiyon ni Clifford.

Tumigil na ako, medyo ngalay na rin ako sa pagdadrums eh, idagdag mo pa na ako ang vocalist, mapaos din kaya.

"Water?"

"Thanks." Sagot ko kay Clifford at tinanggap ko ang mineral.

Pagkatapos kong uminom inilapag ko muna sa table yung bote ng mineral. Babalikan ko na lang mamaya.

Nakita kong tumayo si Kreuz. Tumingin pa sya sa akin sabay SMIRK? Waah! Bigla akong kinabahan dun ah.

Lumabas sya ng music room. Aish! Bahala nga sya. Umupo na ako sa may drums para magpractice ulit.

After few minutes pumasok ulit si Kreuz at parang may tinatago sa likod nya. Napalingon naman ako kay Clifford ng bigla nya akong tinawag.

"Hershey bukas na lang ulit tayo magpractice." Tumango ako bilang pag sang-ayon.

Tumayo na ako at lumapit ulit sa lamesa para uminom. Nakakauhaw kasi ang magdrums at pagkanta.

I opened the bottle.

"Pwe!" Napaubo at ako at nailuwa ko ang tubig dahil ang alat na maasim pa!

Automatic na napatingin ako kay Kreuz na nakadekwatro habang nakaheadphone sa sulok.

"YOU!!" Tinuro ko sya.

"What do you want?" Bored nyang tanong.

"Painosente ka pa! Alam ko namang ikaw ang naglagay ng suka at asin sa mineral ko."

"Ang galing mong manghula." Iiling-iling nyang sabi.

"Mapapatay talaga kita! Ugh! Damn you!" Pinipigilan ako ng mga kabandmates ko na lumapit kay Kreuz.

"Bitawan nyo nga ko! Mapapatay ko tong hayop na to!"

Tumayo si Kreuz at nakapamulsang lumabas.

"Tsk. Tsk." Rinig kong sabi nya.

Sinasabi ko na nga ba eh! May gagawin na naman syang kalokohan kaya nakasmirk sya kanina.

Binitiwan na rin naman nila ako. Nakakainis! Hindi man lang ako nakaganti!Bwiset talaga yang Kreuz na yan!

Bumili na lang ulit ako ng bagong tubig sa cafeteria at hindi ko na binitawan baka daga na maya-maya ang laman nito.

Bakit ganun? Pag may ginagawa syang kalokohan hindi halata sa mukha nya, bakit pag ako obvious na obvious? Great pretender   

4:30 na rin naman kaya napagdesisyunan ko na umuwi na. Binuksan ko ang bag ko upang kunin ang susi ng kotse ko.

Sh*t! Bakit wala dito? Napatampal ako sa noo ko ng maalala kong naiwan ko pala sa music room. You're really an idiot! My gahd Shey! Dali-dali kong tinungo ang daan pabalik ng music room. Nasa parking lot na ako kanina and just because of my stupidity kailangan kong maglakad ng malayo.

Ilang hakbang na lang at malapit ko ng marating ang music room.

Para akong sasakyan na biglang napapreno sa pagtakbo ng makarinig ako ng tunog ng piano at boses ng kumakanta.

Teka....boses ni Kreuz yun ah?

Dahan-dahan kong inihakbang ang aking paa at itinago ko ang sarili ko sa likod ng pintuan na nakaawang sapat para marinig ko ang kanta nya.

"I'm gonna Love you

When The time is right

Be thinking of you

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon