Chapter 35

509 19 1
                                    

Hena Walter's POV

I spread my arms to welcome my daughter with a warm hug. I missed her so much. "Mom." Halos mangiyak-ngiyak nyang sabi sa akin at ginantihan ako nang mas mahigpit na yakap.

"I missed you." Sambit ko pagkatapos ko syang yakapin. Nag-angat sya ng tingin at tila may hinahanap.

"Where's dad?" Tanong nya.

"Nasa kwarto nya nagpapahinga." Sagot ko at binigyan ko sya ng ngiti. Napaawang ang labi ko nang lumagpas ang tingin ko sa likuran nya. Mukhang napansin nya rin ang bahagya kong pagtigil kaya bumaling din sya sa likuran.

"Flaire." Malumanay nyang tawag. Lumapit si Flaire sa amin habang karga-karga ang tulog na bata. Nakasiksik ang ulo nito sa leeg ni Flaire at mahimbing na nagpapahinga.

"Goodevening tita." Nakangiting bati sa akin ni Flaire. Ngumiti din ako sa kanya.

"Siya na ba ang apo ko?" Halos pabulong kong tanong. Bahagya kong naramdaman ang pamamasa ng mata ko at parang may humaplos sa puso ko. Tumango sya at ngumiti.

"Nakatulog po sya sa byahe." Tugon nito.

"Dalhin mo na sya sa kwarto para makapagpahinga."

Tinawagan ko ang isang katulong upang samahan sila sa magiging kwarto nila. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalayo sila. Nilingon ko si Hershey habang tinutungo ang daan papunta sa kwarto ng daddy nya. Sinundan ko sya nang pumasok sya sa kwarto. Umupo sya sa gilid ng kama.

Pinagmasdan ko ang asawa ko habang natutulog sa kama. Mabagal ang paghinga nito. Bagaman tahimik ay naririnig ko pa rin ang hirap nya sa paghinga. I stared at my daughter as she gently held her father's hand.

"D-dad." I can sense pain in her tone. My heart ache as I watched her cry infront of her dad. Lumapit ako sa kanya at marahan kong hinaplos ang likuran nya.

"He missed you so much." I said.

"Is he okay?" Tanong nya na may bahid ng pag-aalala.

"He is fine but he still needs to be monitored because of his health." Saglit nya akong nilingon. "Magpahinga ka muna, alam kong pagod ka sa byahe. Bukas mo na lang kausapin ang dad mo." Ngumiti ako sa kanya.

Pinahid nya ang mga luha sa mata nya.

"Nasa guest room na si Flaire. Pumunta ka na rin sa kwarto nyo ni Precian." Tumango sya. Niyakap ko sya bago sya tuluyang lumabas ng kwarto. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

Sandali kong pinagmasdan ang aking asawa bago lumabas ng kwarto.

Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng aking anak. Marahan kong pinihit ang doorknob at bahagya kong ipinasok ang sarili sa loob. Sumandal ako sa likod ng pinto bago humalukipkip at mataman kong pinagmasdan ang mag-ina. I smiled at the sight of Hershey hugging her son tightly.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng konting kirot sa puso ko habang pinagmamasdan ang natutulog si Precian. Looking at his face, memories started to flash in my head.

Two years after the accident.......

Nanatili akong nakatayo sa tapat ng isang mataas na company building.

Frisam Company. Tahimik na basa ko. So, he's an heir.

I stepped and walked ahead hanggang makapasok ako sa lobby. Sinalubong ako ng magarbong chandelier at hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. Tumama ang repleksyon ng ilaw sa marmol na sahig. Nakauniporme ang lahat ng tao sa loob at may kani-kaniyang ginagawa.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon