Chapter 20

546 27 1
                                        

"Lights. Camera. Action!"

Halos maiyak ako nang umiging ang isang napakalakas na sampal na lumapat sa kanang pisngi ko. "Matuto kang makiramdam." Litanya ni Audrey. Ramdam ko ang galit at poot sa tono ng boses nya.

Gumanti ako ng isang mas malakas na sampal at dumapo iyon sa pisngi nya. Halos maiwan ang bakas ng kamay ko sa pisngi nya.

"CUT!" Bago pa man makatalikod si Audrey, nahagip ng mata ko ang mabilis nyang pagpahid ng takas na luha sa mata nya at tuluyang tumakbo palayo sa amin.

"Ms. Audrey!" Tawag ng ilang mga staffs pero patuloy ito sa pagtakbo. Bakit sya umiiyak? Napahawak ako sa pisngi ko na sinampal nya. Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko, deserve ko yung sampal na yun? Pakiramdam ko totoo ang linya nya kahit galing lang yun sa script. Nilapitan ako ng isang staff at ginamot ang maliit kong galos sa mukha. Gusto lang nilang maging makatotohanan ang sampalang iyon.

Napadako ang mata ko kay Kreuz. Prente syang nakaupo sa isang nakatumbang sanga ng puno at mataman akong tinitingnan. Parang matutunaw ako sa titig na iyon pero biglang napawi ang ngiti ko ng maalala ko si Audrey. Damn. Hindi ko malimutan ang simpleng linya nya. Nakokonsensya ako sa hindi ko malamang dahilan.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Hindi ko alam pero naiiyak ako. Pakiramdam ko may nagawa akong mali! Pakiramdam ko napakaselfish ko. Nakarinig ako ng mahinang katok mula sa pinto.

"Hey, are you alright?" Marahang tanong ni Kreuz mula sa labas.

"I said, I'm fine, Kreuz."  Bumuntong hininga ako. "Just....just leave me alone." Sagot ko mula sa namamaos kong boses.

"Alright." I heard him say pero narinig ko pa rin ang pagbukas ng pinto. Naramdaman ko ang mainit na yakap mula kay Kreuz. Humarap ako sa kanya at isinubsob ko ang sarili ko sa dibdib nya. He patted my head, mas lalo akong napahagulhol sa ikinilos nyang iyon.

Damn.

Bakit ba ako umiiyak?

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko at marahan nya akong iniharap sa kanya. Inangat nya ang tingin ko sa kanya.

"Don't cry, woman." Aniya. He wiped my tears away. Muli kong narinig ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko magawang magsalita dahil ayokong marinig nya ang frustration sa boses ko.

Muli nya akong niyakap. Parang nabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil sa yakap nya. Gusto ko na lang manatili sa yakap nya. I don't want to end this moment.

"Get rest, cara mia." Aniya. Marahan akong tumango. Maingat nya akong inihiga sa kama ko. Dala na rin siguro ng pag-iyak kaya agad na naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko. Bago tuluyang magsara ang mata ko naramdaman ko ang isang mabining halik ni Kreuz sa noo ko. Dinama ko iyon at tuluyan na akong nagpatianod sa antok.

Tinungga ko ang tubig sa pitsel at isinalin ito sa baso. Mabilis ko itong nilagok upang mapawi ang uhaw ko. I'm sure this is because of what happened last night. Bumalik sa ala-ala ko ang pagyakap sa akin ni Kreuz at ang paghalik nya sa noo ko. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

Damn.

What was that?

Dumiretso ako sa kubo at umorder ng pwedeng makain.

"Noodles, please." Order ko. Agad na nagtungo ang tindera sa pinakang-kusina nila. Humanap ako ng bakanteng upuan habang naghihintay sa noodles na pinahanda ko. Mag-aalasingko pa lang ang umaga pero maliwanag na paligid. Napahalukipkip ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon