"Here, mineral." Inabot sa akin ni Gio ang bote ng mineral. Tinanggap ko iyon."Thanks." Mahinang tugon ko. Katatapos lang ng first scene namin ni Gio. He's a professional actor at halatang sanay na sanay na sya.
"So, he's your boyfriend?" Napalingon ako sa itinuro nya, si Kreuz, habang nakatayo sa gilid ng kubo at nakakahalukikip at matamang nakatingin sa akin.
"No." Mabilis kong sagot. Dahil yun ang totoo. Hindi ako sigurado pero parang sumilay ang maliit na ngisi sa labi ni Gio.
"If looks could kill, I'm probably lying right now." Natatawang sabi ni Gio kaya natawa na rin ako kahit hindi ko alam ang taong tinutukoy nya sa biro nya.
"What do you mean?" Tanong ko. Bigla nyang itinapat sa gilid ng tenga ko ang mukha nya at saka bumulong.
"He's praying for my death." Aniya. Agad akong napatingin sa pwesto ni Kreuz at wala na sya dun.
"I need to go, Gio." Paalam ko sa kanya. Marahan syang tumango. Simula pa kaninang umaga hanggang ngayon, ang sama ng mood ni Kreuz. Walang imik at parang laging balisa. Samantalang busy rin ako sa paghahanda sa mga scenes ko kasama si Gio.
Bakit parang namimiss ko si Kreuz? Tss.
Napabuntong hininga na lang ako. Nahagip ng mata ko ang papalapit na si Audrey.
"Two birds in one stone." Aniya at mabilis na humarang sa dinadaanan ko.
"What are you talking about?" Iritadong tanong ko sa kanya.
"Playing innocent, Hershey? Tss." Nagcross arms sya.
Inirapan ko sya. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pero mabilis nyang hinila ang braso ko at halos bumaon ang kuko nya. Gusto kong dumaing sa sakit pero mas pinili kong tiisin.
"I'm not yet done talking." Aniya.
"Bitiwan mo ko!" Singhal ko. Damn. Konti na lang at magkakagalos ako dahil sa kuko nya. Ngumisi lang sya at hinawakan pa rin ako.
"This is what you love right? Attention?" Tanong nya na may halong pait sa tono ng boses nya. "You're such a brat!" Dagdag pa nya.
"What the hell is wrong with you, Audrey?" Tanong ko.
"Sa akin wala, pero sayo marami." Aniya at marahas na binitawan ako at napaupo ako sa buhanginan. Damn. Pilit kong itinikom ang bibig ko, hindi ako ganun kababaw para patulan sya. Umalis na sya sa harapan ko.
Napahawak ako sa braso ko at napansin ko ang galos dito na galing sa kuko ni Audrey.
Ang hapdi.
Itingo ko iyon gamit ang isang kamay ko. Tumayo ako at bumalik sa kubo.
Gusto kong magtago ng sinalubong ko agad si Kreuz na nakakunot ang noo.
"What are you hiding?" Seryosong tanong nya at pinagmasdan ang kamay kong nakatabon sa braso ko.
"Nothing." Sagot ko pero hinila nya ang kamay ko at tumambad ang galos ko. Nakita ko ang pag-igting ng panga nya.
"Tell me who." Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nya. Hindi ako umimik. "Who the hell did this to you?" Muling tanong nya. Ramdam na ramdam ko ang galit sa tono ng boses nya.
"Hayaan mo na, this is just a small scratch." Kagat-labi kong sagot.
Tiningnan nya ako na parang hindi kumbinsido sa sagot ko. Hinawakan ko ang kamay nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/89202165-288-k433166.jpg)
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Romance"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena