"Ms. Walter, your turn." Dinig kong tawag sa akin ng make-up artist ko. Sumunod ako sa kanya papasok sa dressing room. Inoccupy ko ang bangko sa harap ng salamin at simulan naman ng bakla ang pag-aayos sa akin.
"Ms. Walter, ang gwapo talaga ng boyfriend nyo." Sabi pa nito. Agad na napakunot ang noo ko.
"Boyfriend? Sino?" Takang tanong ko. Bumulong sa may tenga ko ang make-up artist ko.
"Si Kreuz Onessa, yun oh! Nakasandal sa may pintuan parang pinagmamasdan ka." Aniya na kinikilig pa. Napalingon ako sa pintuan at tama nga sya, nandun nga si Kreuz, nakasandal ang kanang balikat nya sa gilid ng pinto habang nakacross arms at matamang nakatingin sa....AKIN?
"W-what are you doing here?" Kabadong tanong ko.
"Watching you." Seryosong sagot nya.
Damn.
Bigla na namang nagkagulo ang sistema ko.
"Can't you just leave? We can't focus here." Pagtataboy ko sa kanya.
"Affected with my presence, Ms. Walter?" Nakangising tanong nya.
"Damn you." I cussed.
"Tss." Nagpakawala muna sya ng isang ngisi bago tuluyang umalis at dumiretso sa pwesto nina Direk at iba pang staffs. Napahawak ako sa dibdib ko. I hate you Kreuz! Ugh.
"Lights. Camera. Action!" Naramdaman ko ang pag-angat ko sa lupa dahil sa animo'y kable na nakapulupot sa akin upang makalipad ako. Gusto kong ipikit ang mata ko dahil napakataas ng pwesto ko. Parang nahihilo ako.
"CUT!" Rinig kong sigaw ni Direk at agad kong naramdaman ang pagbaba ko. Agad akong nilapitan ng mga staffs.
"Are you okay, Ms. Walter?" Narinig kong tanong ng isa.
"Not really. I have fear of heights." Sagot ko. Damn. Akala ko wala na akong takot pero mali ako. Dahil nawawala lang ang takot ko pag nandyan sya. Pag nandyan si Kreuz.
Hinanap agad ng mata ko si Kreuz at nakita ko sya sa malayo prenteng nakaupo sa may kubo. Agad na nagpanama ang paningin namin.
Dug. Dug. Dug. Dug.
Damn.
Heto na naman ang pamilyar na pakiramdam ko sa tuwing tinitingnan nya ako. Tumayo sya at naglakad papalapit sa pwesto namin. Prente lang akong nakaupo sa isang bangko upang pakalmahin ang sarili ko. Nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harapan ko. Bigla akong napatungo dahil hindi ko sya kayang tingnan ng diretso pero naramdaman ko ang paghawak nya sa baba ko upang maiangat ang tingin ko sa kanya.
"Come on Hershey, I'm here." He smiled at me.
Damn.
For the first time he called me in my f*cking NAME.
Halos malusaw ako sa kinauupuan ko dahil sa tingin nya pero parang bigla akong nakaramdam ng lakas ng loob dahil alam kong nandyan sya.
"Alright." Tugon ko.
"Okay! Hurry up! Hurry up! We're running out of time." Tawag atensyon ni Direk agad namang isinet muli ang mga gagamitin sa pagtaas sa akin. Muli kong naramdaman ang pag-angat ko pero nilingon ko si Kreuz.
"I'm just here." He mouthed.
Sa kanya lang ako nakatingin habang inaangat ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa peak na pala ako.
"CUT! Good job, Ms. Walter."
Nakahinga ako ng maluwag dahil nagawa ko ng tama at dahil yun kay Kreuz. Nilingon ko sya, halos mapapitlag ako ng naabot kong nakatingin din sya sa akin.
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Roman d'amour"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena
